Rufa Mae sexy na uli matapos manganak: Tsaka pumuti na rin ang singit at kilikili ko!

TREVOR MAGALLANES AT RUFA MAE QUINTO

TREVOR MAGALLANES AT RUFA MAE QUINTO

TAGUMPAY ang ginagawang pagpapapayat ni Rufa Mae Quinto matapos manganak sa panganay nila ng asawang si Trevor Magallanes.

Ayon kay Rufa Mae, 40lbs na ang nabawas sa kanyang timbang matapos ang ilang linggong pagwo-workout. Siyempre, ang mga naging inspirasyon niya sa muling pagpapaseksi ay ang kanyang asawa at anak na si baby Alexandria.

Sa kanyang Instagram account, ipinot ng sexy comedienne ang kanyang litrato kung saan naka-bra at panty lang siya. Nilagyan niya ito ng caption na: “Ok, para maging confident ako again, I tried to do a selfie, yes I lost 40 lbs in a month…187 lbs po ako, 147 lbs nalang!

“Wow amazing, pag ganito ang lagay e di forget na ang emote at post partum, mag ready na ako sa beach this summer 2017! Every summer Kaya ko mag 2 pc yahoo! May linea nigra pa ako sa tummy ko, I wonder when mawawala yang lanugo or dark spot ko sa tummy!

“Sana soon, by the way my neck, armpit, singit ko Pala namuti na din na parang libag Lang na na tanggal everytime I shower! So yes! Laban!”

Bago ito, nag-post si Rufa Mae sa kanyang IG kung saan inamin niyang inatake siya ng sobrang depresyon dahil sa postpartum. Aniya, “Sa kakaiyak ko halos araw -araw, nag hubad and posing nalang ako, na tulala sa shocked na i have a child, (postpartum). Meron ako war shock pag NASA Labas.

“Part ng post partum ko, di ko MA explain I can’t stand to be out, parang I wanna scream tapos, nabibingi ako gusto ko umuwi agad sa bahay, Pero slowly fighting it over. Nasanay ako na buntis, still adjusting , tapos ngayon I’m alone back to myself again, slowly regaining all my hormones and confidence para sa anak ko, I want her to see me ok, so I can take care of her.

“Matagal Tagal ko din di magawa magselfie video, na Wala na tummy, baby @alexandriamagallanes. Pasensya na guys, linea nigra yang line black in my tummy, after 1 month of giving birth, ang confidence push pa more. life’s and body’s been kind. medyo di na ako sanay mag pose and emote sa camera, Kaya sensya na medyo magulo ako mag selfie haha!”

Read more...