Do-or-die PBA D-League Aspirants’ Cup semis ngayon

Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
3 p.m. Café France vs Racal
5 p.m. Cignal vs Tanduay
(Game 3 of Best-of-3 Semifinals)

SA unang pagkakataon sa kasaysayan ng PBA D-League ay papasok sa isang sudden death ang dalawang  semifinals series sa pagpapatuloy ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon.

Mauunang sasalang ang Café France Bakers at Racal Tile Masters alas-3 ng hapon bago sundan ng bakbakan ng Cignal-San Beda Hawkeyes at Tanduay Rhum Masters dakong alas-5 ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Hangad ni Tile Masters coach Jerry Codiñera na maihatid ng kanyang koponan sa finals sa unang pagkakataon habang sasandal naman ang Bakers sa karanasan nito noong isang taon sa misyong makabalik sa finals.

Kumbinsido naman si Hawkeyes coach Boyet Fernandez na ang kanyang mga bataan ay kayang manaig sa mas beteranong manlalaro ni Tanduay coach Lawrence Chongson.

Read more...