Japanese team ‘misteryo’ para sa PSL teams

WALANG kaalam-alam ang mga lokal na koponan sa kanilang pakikipagsagupa sa Kobe Shinwa Women’s University sa pagsikad ng final round ng Belo Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference ngayong Huwebes, Marso 30, sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Sinabi mismo nina coach Shaq Delos Santos ng Petron Blaze Spikers at coach George Pascua ng Cignal HD Spikers na hindi pa nila nakikita ang laro ng mga Japanese na magsisilbing ikaapat na koponan sa final round ng torneo.

Mismong si Delos Santos ang nagsabi na pinilit nilang mahanap online ang anumang video ng Kobe Shinwa na naglalaro subalit walang nakita. Ito rin ang ipinaliwanag ni Pascua na aminado na tila isang misteryo kung anong klaseng koponan ang Kobe Shinwa.

“All I know is that it plays Japanese brand of volleyball to perfection,” sabi ni Pascua, na siyang coach ng Petron na nakasagupa ang Japanese powerhouse na Hisamitsu Springs sa AVC Asian Women’s Club Championship sa Phu Ly, Vietnam noong 2015.

“Other than that, we have no idea on how it plays. We tried looking for any available videos online, but we can’t get anything. I guess we’ll just work on the scouting when they arrive here on Tuesday,” sabi pa ni Pascua.

Kahit ang beterano sa internasyonal na torneo na si coach Moro Branislav ng Foton Tornadoes ay aminado na isang malaking hamon ang makaharap ang Kobe Shinwa lalo pa na hindi nito makakasama ang star spiker nitong si Dindin Manabat dahil sa tinamo na injury sa tuhod.

Matatandaan na nagtamo si Manabat ng Grade 2 MCL sprain at partial ACL tear sa kanilang laban kontra Sta. Lucia Lady Realtors noong nakaraang linggo na tuluyang nagpahinga dito sa buong kumperensiya.

“This is a very big problem for Foton,” sabi ng Serbian tactician. “Although I know that this Japanese team from Kobe is very good, I have no idea on how it plays. Let’s see what will happen. We will do our best to beat them.”

Sinabi naman ni Pascua na ang tanging paraan para talunin ang batang Japanese team ay sa pamamagitan ng ekspireyensa.

“Jovelyn (Gonzaga), Royse (Tubino) and Rachel (Daquis) were part of the Army team that beat the juniors team of Thailand last year,” sabi naman ni Pascua. “So we will be banking on the experience of our veterans to pull it off. It’s tough, but we will try our very best.”

Ang Foton ang unang susubok sa itinatagong laro ng mga Japanese sunod ang Cignal sa Biyernes at Petron sa Sabado sa huling laro ng torneo.

Read more...