18 ginto nakataya sa 12th SEA Youth Championships | Bandera

18 ginto nakataya sa 12th SEA Youth Championships

Angelito Oredo - March 26, 2017 - 11:00 PM

ILAGAN City, Isabela – Kabuuang 18 gintong medalya ang pag-aagawan ngayong umaga ng pinakamahuhusay na kabataang track at field athletes sa rehiyon sa pagsisimula ng 12th South East Asian Youth Athletics Championships sa bagong gawa na  P250-milyon na City of Ilagan Sports Complex sa Ilagan, Isabela.

Unang paglalabanan ang gintong medalya sa 3,000m run boys and girls bago sundan ng high jump boys, long jump boys, javelin throw girls at discus throw boys sa torneo para sa mga atletang edad 17-anyos pababa na inorganisa ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) at Ilagan.

Ito ay matapos isagawa Linggo ng hapon ang makulay na seremonya na dinaluhan mismo nina City Mayor Evelyn Diaz at keynote speaker Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III kasama rin si Patafa head Philip Ella Juico sa harap ng libong mga manonood na Ilaganyo.

Nagsilbing inspirasyon ang mga Palarong Pambansa gold medalist na sina Cherry Mae Banatao na siyang nagbigay ng Oath of Sportsmanship at John Carlo Yuson na siyang nagsindi sa championship flame.

Una munang nagparada ang mahigit sa 100 delegado mula Brunei, Hong Kong, Indonesia, Iraq, Malaysia, Singapore, Sri Lanka, Timor Leste, at host Pilipinas sa siyudad na agad ipinakita ang pinakamapayapa at pinakamatinding seguridad sa pagho-host ng isang internasyonal na torneo.

Bawat delegasyon ng mga bansa ay may kanya-kanyang escort na pulisya kahit na mismong mga magkokober na mga manunulat.

Isasagawa ang SEA Youth Athletics simula Marso 27 hanggang 28 tampok ang mga atleta edad 17-anyos pababa mula sa mga kalapit bansa bago sundan ng 2017 Ayala Philippine National Open Invitational Athletics Championships simula Marso 30 hanggang Abril 2 na magsisilbing final tryout sa mga atleta na nagnanais sumabak sa nalalapit na 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nagsimula ang parada sa City Hall at nagtungo sa Ilagan Sports Complex ganap na alas-4 ng hapon ng Linggo habang sisimulan ganap na alas-9 ng umaga ngayon ang mga laro.

Isasagawa naman ang opening ceremonies para sa lalahok sa Philippine National Open Invitational Athletics Championships sa Marso 29 sa ganap din na alas-4 ng hapon.

Tampok sa 12th SEA Youth Games ang 36 athletic events habang mayroon naman 98 events ang paglalabanan sa Philippine National Open.

Nakataya ang mga silya para sa palalakasin na athletics national team sa 12 SEA Youth Games habang puwesto sa pambansang delegasyon na lalahok sa 29th SEA Games sa Agosto ang nakataya sa kasunod na Philippine National Open Invitational Athletics Championships.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending