Bret type na type si Jennylyn; Donnalyn super idol si Anne
NAKYUTAN kami sa palitan ng punchlines nina Donnalyn Bartolome at Bret Jackson sa “ShowbizLive”, a showbiz talkshow hosted by Ervin Santiago and Izel Abanilla every Wednesdays sa Inquirer 990 TV Radyo Inquirer at sa Facebook Live ng Inquirer.net at Bandera.
Sa panayam ng programa sa dalawang talent ng Viva Artist Agency, nalaman naming very busy si Bret lately, lalo na sa paggawa ng movies. Kasama siya sa “Buy Bust”, ang upcoming action movie starring Anne Curtis. May isa pa siyang naka-line up na pelikula na magsisimula na rin ang shooting this April pero for now secret pa ito.
Nakakatuwa dahil pareho palang fans ni Anne sina Donnalyn and Bret. Excited na si Bret na makatrabaho si Anne, while si Donnalyn naman ay nag-request pa kay Bret na isama siya sa set ng “Buy Bust”.
Noon pa raw idol na idol ni Donnalyn si Anne, in fact, ang TV host-actress daw ang nagpapasaya sa kanya tuwing down siya.
Bret Jackson started as housemate sa Pinoy Big Brother noong 2010 habang si Donnalyn naman ay sumikat sa pagiging YouTube sensation.
Natanong nina Ervin at Izel kung paano nagsimula ang pagiging YouTube sensation nga nitong si Donnalyn at sinabi nya na ginawa n’ya ‘yung mga unang videos for friends.
“Kasi ‘yung parents ko, my dad actually is in the US Navy so we’re moving a lot. Tapos mga naiiwan kong friends ginagawan ko sila ng video kasi nami-miss nila ako. So parang it’s just my way to stay connected with them. So ‘yun nag-viral ‘yung videos ko not meant to the public. Okay lang naman siya sa akin because it’s what I like doing,” sagot ng dalaga.
Na-imagine ba niya na magiging artista siya dahil dito? “No. Never did I thought about it. Never ever na na-imagine ko in the future na magiging kapatid ko si Anne Curtis sa movie ganu’n. ‘Yun talaga ‘yung dream ko pero nangyari lahat.”
Hindi na nakakagawa ng mga YouTube videos lately si Donnalyn dahil nga busy siya pero ginawa naman niyang pambawi sa mga nakaka-miss sa kanya ang “Happy Break Up” movie. Pwedeng-pwede mo nang mapanood ito sa YouTube at ang maganda ay FREE ito at buong-buo. Dapat pala ay may cameo role si Bret sa pelikula kaso nga lang hindi kinaya ng schedule ng binata.
Napanood na namin ito at pang-mainstream movie talaga ang cinematography. Kaya kung gusto n’yong malaman kung meron nga bang happy break up eh, panoorin n’yo na lang.
Speaking of happy break ups, natanong din si Bret kung naniniwala ba siya sa happy break up, “If you’re adult enough to say it’s over,” ang maikli pero malamang sagot ng aktor.
Same title ang theme song ng movie na sinulat din ni Donnalyn. Ayon sa kanya, sinulat niya ito para naman maiba dahil puro na lang depressing ang mga break up songs na naririnig sa radyo.
“It’s not I’m celebrating I’m just making them feel better sobrang sad na nila lalo mong bibigyan ng sad song. So I thought bakit hindi ko gawin iyon,” aniya.
Speaking of songs, in a post interview may planong mag-release ng album si Bret na may mga kantang collaboration with other artists katulad nina Nadine Lustre at Yassi Pressman. Actually meron din silang ginawa ni Donnalyn na dapat daw abangan ng mga fans.
Parang aso’t pusa ang relasyon ng dalawa. Very opposite raw kasi sila. Kung si Donnalyn ay nasa bahay lang pag walang work, si Bret naman, ayon kay Donnalyn, ay mahilig lumabas. Dahil dito marami ang nalilito sa tunay nilang relasyon.
“I make fun of Donnalyn all the time but if someone messes with Donnalyn I have to, you know (defend her). Everyone would look at us and say, do you guys like each other? What’s going on here? Ha-hahaha!”
Posible bang ma-in love si Bret kay Donnalyn? “Nothing’s impossible.” Pero sey ni Donnalyn, “Actually na-in love na si Bret sa akin! Naka-move on na lang siya. Ha-hahaha!”
Dahil sa magandang chemistry ng dalawang Viva artists ay hindi na kami magtataka kung sila na ang maging next important stars sa local showbiz.
Quickie Talk with Bret Jackson
Bruno Mars or Justin Bieber? Bruno Mars
Selena Gomez or Ariana Grande? Selena Gomez. Just Selena forever!
Maganda pero boba or chaka pero super intelligent? The second one
Bedroom or Comfort Room? Bedroom
Halik or yakap? Halik
Masaya ako kapag __? With my friends
Gustong gusto kong mag ____ sa gabi? I like to watch series and make music.
Unang ginagawa paggising? I just try to chill. You know when everyone wakes up they always look at their phone first? It’s a bad practice. Stop looking at your phones when you wake up. Try to wake up, spend 10 minutes with yourself. Meditate. Breath. It will change your life.
Huling ginagawa bago matulog? I think a lot.
Idol na idol ko ngayon si ____? Musically so many. There are a lot of good rappers in Toronto right now.
Female celebrity na gusto mong maka-love-scene or kissing scene? Jennylyn Mercado
Three sexiest women sa local showbiz? Jennylyn, Anne Curtis and Yassi Pressman
Kung bibigyan ka ng powers ano ang unang iso-solve mong problema sa Pilipinas? Poverty
Anong unang question mo kay Duterte pag nakaharap mo siya? What’s up bro? Other than this presidential stuff I would just like to hang out with him.
Quickie Talk with Donnalyn
Who is the most beautiful woman in showbiz? Anne Curtis
If you would be another woman, who would you be? Marian Rivera
If you were a drink what would you be? Pineapple juice
Last person na sinabihan mo ng I love you? My brother, si Buknoy
What makes you smile? ‘Yung habang kumakanta ako tapos alam ng mga tao ‘yung lyrics ng kinakanta ko.
What turns you on? Pag maganda ‘yung ngiti
When was your last heartbreak? Mga four months ago. But not necessarily sa guy, ha. Pwede ka namang magkaroon ng heart break sa ibang tao or bagay, di ba?
What was your most stupid moment in love? Nagpasa load ako. Ha-hahaha! Let me explain kasi nasa probinsya yung katext kong yun. Eh, gusto ko siyang kausap. Tapos walang pa-loadan du’n. Sabi niya mawawalan na ko ng load, sabi ko sige papa-loadan na lang kita ah!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.