Ang batas ay batas—Secretary Aguirre

HINDI na susuportahan ni Pangulong Digong ang anumang panukalang batas na gawing legal ang kasal ng lalaki sa lalaki o babae sa babae.

Tama naman ang Presidente: Hindi normal ang espadahan at pompiyangan kapag pagtatalik na ang pinag-usapan.

Napagtanto-tanto ni Mano Digong, na isang macho man, na di kara-pat-dapat na ipairal ang same-sex marriage sa bansa na kanyang naging campaign promise.

Basig maigo tag kidlat niana, na ang ibig sabihin sa Tagalog, baka tamaan tayo ng kidlat, kapag ipinairal natin ang kasalang lalaki sa lalaki at babae sa babae.

Bakit kasi natin gagayahin ang ibang bansa na ginawang legal ang same-sex marriage kahit na ba sila’y mas mayaman pa sa ating bansa.

Kung kumain sila ng t-e, dapat bang kumain din tayo ng t-e?

***

Kinukunsinte ng karamihan ng Pinoy ang mga bakla’t tomboy.

Natutuwa pa nga ang karamihan sa bading na nasa showbiz.

At di nila pinapansin ang mga balita tungkol sa homosexual relations ng kanilang mga idolo sa showbiz.
Pero hindi papayag ang Pinoy na gawing legal ang same-sex marriage.

 

***

Wala ba kayong napansin na, bukod kina Manny Villar at Enrique Razon, ang mga Pinoy na nasa Forbes Billionaires’ List ay mga Filipino-Chinese o mga Pinoy na ga-ling sa angkan ng Tsino?

Henry Sy, John Gokongwei Jr., Lucio Tan, George Ty, Tony Tan Caktiong, David Consunji, Robert Coyiuto Jr., Ramon Ang, Eduardo Cojuangco at Roberto Ongpin: Lahat sila ay angkan ng mga Tsino.

Bakit?

Dahil ang mga Pinoy na galing sa Malay race ay mga tamad o takot na magnegosyo nang malakihan.
Kontento na ang mga Malay Pinoy na maging trabahador sa halip na maging employer.

 

***

Bago ang Ikalawang Digmaan, kinukutya ng mga Malay Pinoy ang mga Tsino na nagtitinda ng diyaryo’t bote, nagtitinda ng pagkain sa sidewalk at nag-aalaga o nagyayaya ng bata ng mayayamang pamilya.

Ang tawag sa mga Tsino noon ay “Intsik beho, tulo laway.”

Ang mga anak ng mga kinukutya o inaalipusta na Tsino ay nakatira ngayon sa mala-palasyong tahanan sa Forbes Park, Greenhills, Corinthian Gardens at iba pang exclusive villages samantalang ang mga anak ng mga kumutya sa mga Tsino ay nakatira sa squatters area.

Moral of the story: Huwag pagtawanan ang mga taong naghahanap- buhay nang marangal.

 

***

Binigyan ng special treatment ang road rage suspect na si David Lim Jr. nang siya’y sumuko kay Chief Supt. Noli Talino, director ng Central Mindanao Police Office, ng alas 2 ng madaling araw.

Binaril ni Lim ang isang nurse sa Cebu City dahil sa away-trapiko.

Si Lim ay pamangkin ni Peter Lim, na diumano’y drug lord na gustong ipapatay sana ni Mano Digong.

Sa halip na ikulong sa Cebu City Police Office ay pinatulog si Lim sa tanggapan ng Regional Intelligence Division sa Camp Sergio Osmena.

Iba na talaga kapag ikaw ay mayaman dito sa ating bansa.

 

***

Sinampahan ng Department of Justice ng kasong murder ang 19 pulis na pumatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, isang notorious na drug kingpin ng Eastern Visayas, sa loob mismo ng kanyang selda sa Baybay, Leyte Provincial Jail.

Ang kaso ay isinampa kahit na nagpahayag ng suporta si Pangulong Digong sa pagpatay kay Espinosa.
“Justice must be upheld,” ani Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Ang batas ay batas, dagdag pa ni Aguirre.

Read more...