Paolo gaganap na superhero sa ‘X-Woman’ ng Regal Films; itatambal kay Derek Ramsay

paolo ballesteros at mother lily

SANIB-PUWERSA sina Paolo Ballesteros at Derek Ramsay sa bagong movie na ipo-produce ng Regal Entertainment.

Ito ang naging pahayag ng manager ni Pao o Pochoy na si Joji Dingcong sa contract signing niya sa Regal last Wednesday.

“Tapos, ang isa pang project ay ‘yung tipong heroine siya, ang ‘X-Woman’! May super power siya na iba-ibang mukha ang ipapakita like Britney Spears o Julia Roberts. The next project aayusin namin once these movies are done,” pahayag ni Joji.

Originally, two movies lang ang gagawin ni Paolo sa Regal. Biglang kambyo ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde kaya naging 3-movie contract ang pinirmahan ni Paolo.

“I’m so happy that I have Paolo now. Gusto ko para sa kanya mga aksyon na something na kiss-kiss, bang-bang! Ha! Ha! Ha!” sey ni Mother.

Nagpasalamat naman si Pao kina Mother at Roselle sa pagkuha sa kanya sa Regal.

“We are so excited, me and Joji to do movies sa Regal. Sana suportahan din ninyo gaya ng Die Beautiful,” hayag naman ni Paolo.

“Malaking karangalan dahil ang Best Actor natin ay officially Regal Baby na rin! Three picture siya dahil very talented si Paolo and I believe na pag very talented ka, malaki ang mararating mo!” pahayag naman ni Roselle.

First time nakatikim ni Paolo na mag-contract signing nang wala pang script.

“So parang ang lakas palang maka-artista nito! Ha! Ha! Ha! Masaya and excited. Nakaka-inspire kasing gumawa ng pelikula kahit hindi naman palagi,” sabi ni Pochoy.

Bilang dagdag na kasiyahan, binigyan nina Mother at Roselle sina Paolo at Joji ng red envelop o ang pao sa Chinese bilang bonus nila sa tagumpay ng “Die Beautiful”.

“Matatapos na ang bahay ko! Ha! Ha! Ha!” aniya na hindi akalaing mabibiyaan nang todo sa “Die Beautiful.”

Read more...