Kris, 2 anak malapit nang lumipat sa bagong mansyon

kris josh and bimby aquino

LIMAMPUNG araw na lang at makalilipat na ang mag-iinang Kris Aquino, Joshua at Bimby sa dream house nila sa isang eksklusibong subdibisyon sa Quezon City.

Base sa Instagram post ni Kris, “A small peek at our future home. Posting this because my contractors, project manager, suppliers & decorators all promised we can be settled in by Mother’s Day- they have 54 days to go.”

Base sa nakita naming kuhang video ni Kris, isang magarang mansyon ang lilipatan nila na mahigit isang taon nang ginagawa dahil halos lahat ng materyales ay galing pa ng ibang bansa kaya hirap din ang suppliers dahil sa tagal ng shipping nito.

At kung hindi kami nagkakamali ay ito na ang huling bahay na titirhan daw nina Kris hanggang sa magretiro siya ayon sa anunsyo niya noon.

Sa ngayon, sa isang sosyal na condominium naninirahan sina Kris, Joshua at Bimby.

Ang ganda ng ngiti ng Queen of All Media nitong mga huling araw dahil positibo ang feedback sa airing ng Trip Ni Kris sa Abril 9 sa GMA 7 dahil marami raw ads na pumapasok.

Wala pang balita kung gagawing regular na ang special travel show na ito ni Kris, depende raw sa oras niya kasi marami rin siyang inaasikaso sa ibang negosyo niya na parami nang parami ang puwesto.

Read more...