Kasalang Gloria at Peter tuloy na sa Lunes

sylvia sanchez at noni buencamino

MAPAPANOOD na ang inaabangang kasalan nina Peter (Nonie Buencamino) at Gloria (Sylvia Sanchez) sa The Greatest Love sa darating na Lunes, Marso 27 pagkatapos ng The Better Half.

Gandang-ganda ang lahat sa kinunang wedding scene na ginanap sa Silang, Cavite, maaliwalas daw ang lugar at hindi pa nagagamit ang simbahan sa anumang pelikula o teleserye.

Nagkakatawanan naman sina Nonie at Ibyang kapag break dahil hindi nila naisip na sa tagal nilang artista ay ngayon lang sila ikinasal sa serye.

Base naman sa mga naririnig naming feedback mula sa mga loyal viewers the TGL, ang ganda ng chemistry nina Nonie at Sylvia kahit na ngayon lang sila naging magka-loveteam.

Marami raw kasi ang kinikilig sa love story nila, lalo na ang mga may asawa na.

Read more...