Tatlong lindol ang yumanig sa Baguio City kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Alas-11:34 ng umaga naramdaman ang magnitude 3.0 paggalaw. Ang sentro nito ay anim na kilometro sa kanluran ng Baguio City. May lalim itong 15 kilometro.
Naramdaman ang Intensity II paggalaw sa siyudad.
Makalipas ang tatlong minuto ay naramdaman naman ang magnitude 2.4 paggalaw.
Ang sentro nito ay isang kilometro sa kanluran ng siyudad at may lalim na 30 kilometro.
Nasundan ito ng magnitude 2.5 paggalaw ala-1:08 ng hapon.
Ang sentro nito ay anim na kilometro sa silangan ng Baguio City at may lalim na tatlong kilometro.
Ang tatlong lindol ay sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.