Ateneo, NU maghaharap sa UAAP women’s volley

Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
8 a.m. UE vs FEU (men)
10 a.m. Ateneo vs
Adamson (men)
2 p.m. UP vs Adamson (women)
4 p.m. Ateneo vs NU (Women)
Team Standings (women): Ateneo (9-1); La Salle (8-2); UST (6-4); NU (6-4); FEU (5-5); UP (5-5); UE (1-9); Adamson (0-10); (men): Ateneo (10-0); NU (9-1); FEU (5-5); UP (5-5); UST (4-6); La Salle (4-6); Adamson (2-8); UE (1-9)

PAKAY ng Ateneo na lumapit sa pagsubi ng unang twice-to-beat slot sa Final Four sa pagsagupa nito sa delikadong National University sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 women’s volleyball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
Puntirya rin ng Lady Eagles na maipaghiganti ang tanging kabiguang natamo nito sa unang round nang mabigo sila kontra Lady Bulldogs, 17-25, 13-25, 25-19, 27-29 noong Pebrero 8.
Sa men’s division, puntirya naman ng wala pang talong Ateneo ang ika-11 diretsong panalo sa pagharap nito sa Adamson.
Sa kabuuan, may 23 game winning streak ang nagdedepensang kampeong Blue Eagles mula pa noong nakaraang season. —Angelito Oredo

Read more...