Fans ni Coco haharangin ang pagtatapos ng Ang Probinsyano

coco martin

KUMALAT nga ang balita na tatapusin na ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. May chika na hanggang April o May na lang ang number one primetime series ng ABS-CBN.

Ngunit marami ang tumututol dito. Hindi pa raw sila handa sa pagkawala ng Ang Probinsyano kahit na nga mahigit isang taon na itong umeere sa Primetime Bida.

Sabi ng isang loyal fan ni Coco na nakausap namin, “Sana naman huwag munang tapusin, ngayon pa lang nalulungkot na kami. Bonding time rin kasi ng pamilya namin ang panonood ng Probinsyano. Looking forward kami lagi na magkasama-sama sa bahay kapag oras na ng Probinsyano.”

Sey naman ng isa pang adik na adik sa serye ni Coco, “Bakit kailangang tapusin na? E, ang taas-taas pa rin ng rating, ang dami-dami pa ngang commercial? At napakarami pa nilang pwedeng i-tackle na isyu? Pwede pa nga yan kahit hanggang December pa!”

Nakakaloka! Feeling ko talagang haharangin ng mga fans ni Coco ang sakaling magdesisyon na nga ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na tapusin na ang action serye na napamahal na sa madlang pipol.

Read more...