Piolo natutong mag-donate ng talent fee sa production staff dahil kay Regine: Iba ang feeling!

piolo pascual at regine velasquez

SPEAKING of paghihintay, 14 years din pala ang hinintay ni Mother Lily Monteverde para magbalik-Regal ang ultimate leading man ng showbiz na si Piolo Pascual.

Sa speech ni Mother, sinabi nitong “answered prayer” ang pagpayag ni Papa P na gawin ang latest offering ng Regal Films na “Northern Lights: A Journey to Love” kasama si Yen Santos. Napaluha naman si Papa P sa mga papuri ni Mother sa kanya.

“Naiyak ako kasi bata pa lang ako, nanonood na ako ng Regal movies. Tapos, dito nga sa project na ito, I feel so privileged. Tapos tatawagan ka ng isang Mother Lily to tell you na maganda ang movie at espesyal sa kanya,” saad ni Papa P pagkatapos punasan ang kanyang luha.

Si Mother din ang nagkuwento na sa last shooting day nga nila ay idinoneyt ni Papa P ang kanyang talent fee para i-share sa mga co-workers nila sa pelikula, “He is simply generous,” sey pa ni Mother lalo pa’t parang first time yatang nalaman ng showbiz media ang ganu’ng aspeto sa buhay ni PJ.

“I learned that from Ms. Regs (Regine Velasquez) when we did a movie years back. Nakaka-inspire yung pagtrato niya sa mga katrabaho niya on our last shooting schedule. Talagang she waived her talent fee for that at truck-truck yung stuff na ipinamigay niya sa staff and crew,” balik-tanaw ni Piolo.

Istorya ng mag-ama at bagong pag-ibig ang “Northern Lights: A Journey To Love” na co-produce din ng isa pang film outfit habang ang Star Cinema naman ang nagma-market nito.
Kasama rin sa movie si Raikko Mateo sa direksyon ni Dondon Santos.

Read more...