Amerikanong pinapabayaan ng pamilya sa ospital | Bandera

Amerikanong pinapabayaan ng pamilya sa ospital

Ramon Tulfo - March 21, 2017 - 12:05 AM

TAMA si Pangulong Digong: Kung ang United States, na diumano’y world policeman, ay hindi kayang ipagtanggol ang ating karapatan sa Panatag Shoal sa pananakop ng China, tayo pa kayang gatiting na bansa.
Kahibangan ang makipagdigmaan sa China dahil lang sa Panatag at iba pang lulubog-lilitaw na kapiranggot na lupa o bato-bato sa malawak na dagat gaya ng Benham Rise.
Ang mga taong gustong makipagiyera ay nagtatapang-tapangan lamang.
Bagay sa kanila ang kasabihang, malakas ang loob, mahina ang tuhod.

Paanong makakalaban sa China ang isang bansa na gaya natin na napakahina ng armed forces, na hindi nga kayang patumbahin ang isang maliit na grupong Abu Sayyaf?

“Anong gusto ninyong gawin ko. Makipagiyera sa China. Malilipol ang ating kasundaluhan at kapulisan bukas kapag nagdeklara ako ng giyera sa China ngayon at mapapaluhod ang ating bansa,” sabi ng Pangulo.

Praktikal lang si Mano Digong: Sa halip na kalabanin ang China, bakit hindi tayo makipagkaibigan dito?

****

Oo nga’t ang ating claim sa Panatag Shoal ay backed up ng United Nations na nagdeklara na atin ang nasabing shoal.
Pero ano naman ang ginawa ng UN? Ni hindi nagprotesta ito nang pinasok ng China ang Panatag Shoal.

Kahit na si Uncle Sam, kung kanino meron tayong mutual defense treaty, ay walang ginawa nang pinasok ng China ang Panatag.
“Even the United States could not stop them,” ani Mr. Duterte.

Ang pinakamabuting gawin natin ay makipagnegosasyon tayo sa China.

Rasonable naman ang bansang China at gustong makipagkaibigan sa atin.

****
Binomba ng mga eroplano at sinalakay ng ground forces ang mga hideouts ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at napatay raw ang 21 na mga miyembro nito at nasugatan ang iba pa, sabi ng Armed Forces of the Philippines o AFP.

Pero kinantiyawan naman ng BIFF ang militar at sinabing ang kanilang mga bomba ay tumama lang sa mga puno at sa tubig sa marshland.

Teka, saan naman nakuha ng AFP ang fatality at ibang casualty figures ng mga rebeldeng Moro?

Kailangang ipakita sa taumbayan ang mga bangkay ng mga rebelde bago makapaniwala sa report ng AFP.
****
Isang government lawyer na nagtatrabaho sa Land Registration Authority (LRA) ang itinakbo sa isang ospital sa Metro Manila dahil sa napakataas ang blood pressure nito at napakabilis ng pintig ng puso niya.

Siya’y may edad na 47.
Nang sinuri ang kanyang dugo for drug use, nakitang napakataas ng shabu sa kanyang dugo.

“Above threshold value,” anang resulta ng drug test.

Dahil nagwawala, ipinasok sa psychiatric ward ng ospital si atorni.

Tumakas si atorni sa ospital na hindi nagbayad at ngayon ay nagbabanta na magdedemanda siya ng serious illegal detention, isang non-bailable offense, laban sa kanyang doktor at sa ospital.

Ganoon na po kalala ang problema natin sa droga.
****
Si Richard Lee Riley, isang negrong Amerikano, ay nakaratay ngayon sa St. Luke’s Hospital sa Bonifacio Global City na mistulang gulay.
Isang taon nang pasyente ang Amerikano sa nasabing ospital.
Dinala si Riley ng kanyang girlfriend na Pinay sa ospital matapos siyang magkaroon ng food poisoning at natuluyang maging gulay.

Si Riley ay nagtatrabaho noon sa Afghanistan bilang contractor sa US military.

Dinalaw na si Riley ng kanyang asawa na nanggaling pa sa Georgia at nang malaman na hindi na gagaling si Riley ay umuwi na ito sa America.

Sabi ng asawa ni Riley, i-mercy killing na raw ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana’y magawan ng US Embassy na maipabalik si Riley sa America.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending