Ellen: Ang gusto ko sa lalaki gwapo, loyal, mayaman at hinahayaan lang ako!

ellen adarna

Binigyan ng love advice ni Beauty Gonzales ang kaibigang si Ellen Adarna na nagiging kontrobersyal ngayon dahil sa mga sexy photos na ipinopost niya sa Instagram.

“Pray for it,” ang sey ni Beauty kay Ellen patungkol sa kanyang Mr. Right. “Prayers lang ‘yan. Totoo. Good things happen to good people. Lagi ko namang sinasabi sa kanya na ‘You’re a good person. It will come to you. Huwag kang masyadong atat. Mag-study ka muna diyan ng calculus tapos turuan mo ako after,’” hirit pa ni Beauty.

“Wish ko talaga kay Ellen is makita na rin niya ‘yung lalaki para sa kanya. As a girl, ‘yun naman ang pangarap namin,” dagdag pa nito.

Mismong si Ellen na ang nagsabi na mas gusto niyang mag-enjoy ngayon bilang single, “Hindi pa ako ready for a relationship. Enjoy-in ko muna iyong last year ko sa 20s. Kasi magti-30 na ako next year.”

After ng break up nila ni Baste Duterte, na-link si Ellen kay John Lloyd Cruz at tinutukso rin siya sa foreign underwear model na si Pietro Boselli na umaming gusto siyang makita at makilala.

Sa huling panayam kay Ellen, ang mga hinahanap daw niya sa isang lalaki ay, “Siyempre gwapo, matangkad, loyal, mabait, thoughtful, ‘yung hinahayaan lang ako, hindi seloso, mayaman. Lahat naman gusto ‘yan. ‘Yun naman ang dream guy mo talaga!”

Read more...