PINATUNAYAN ng dance duo na sina Ella Cruz at Julian Trono na hindi lang sila magaling sa aktingan kundi palaban din sila pagdating sa dancefloor.
Sa episode last Wednesday ng Inquirer Radio/TV show na “ShowbizLive” hosted by Ervin Santiago at Izel Abanilla, ibinandera nina Ella at Julian ang kanilang sensual dance number with Bruno Mars’ “Versace On The Floor”.
Umani ng papuri at sandamakmak na likes ang ginawa ng dalawang bagets sa programa.
Siyempre after ng hatawan go agad sa interview portion ang mga miyembro ng P-Pop Generation under Viva Artists Agency with Izel and Ervin kung saan game na game nilang sinagot ang mga tanong mula sa avid listeners and viewers ng “ShowbizLive”.
According to Ella and Julian lumalakas na ang hatak sa masa ng kanilang P-Pop Generation, “Marami na ring dumaan na P-Pop. With Viva pinu-push nila ang Filipino talent and Original Pilipino Music. Of course it’s a privilige to spearhead the first batch for this year. Ilang mall shows na rin ‘yung napuntahan namin,” kwento ni Julian.
Sabi naman ni Ella halos mga 20 na yatang mall shows ang napupuntahan nila, “Hindi lang kami, marami rin kaming mga bagong kasama. Grabe kasi hindi namin alam na yung love ng tao when it comes to music ay sobra-sobra pala, lalo na ang OPM.”
Inisa-isa rin ni Ella ang mga kasabayan nilang mga grupo na iba-iba rin ang hatak na audience. Kasama rin sa P-Pop Gen ang dating girl group ni Nadine Lustre na Pop Girls.
We also went back sa roots ng dalawa bilang dancer. Saan ba sila nagsimula? “Nag-start po ako mag-dance noong bata pa lang ako. Yan yung talent ko sa mga search na sinalihan ko pero sumikat po ako sa pag-aartista talaga. Two years ago nag-start ako mag-upload ng dance videos, yung ‘Twerk It Like Miley’. Du’n na nagsimula yung dancing career ko. Nagaral ako ng iba’t ibang style. Hanggang ngayon nag-aaral pa rin ako para mag-improve pa,” sey ni Ella.
For Julian, na matagal na ring dancer since bata pa siya, naging daan niya ang pagsasayaw para makapasok sa mundo ng showbiz.
“Sa akin naman dancing is my vehicle to enter showbiz. Hanggang ngayon ‘yun ‘yung pinaka-strength ko. Sa school nag-start tapos eventually sabi ko feeling ko ito ang gagawin ko buong buhay ko and then the rest is history. Tapos eventually nag-grow na rin yung love ko for singing, performing and acting. First love ko ang dancing but I’m dating singing and acting,” kuwento ni Julian.
Isa raw pinakamalaking bagay na nakukuha nila sa dancing ay ang satisfaction, pag nae-express nila sa pamamagitan ng sayaw ang kanilang feelings at makapagkwento rin sa mga manonood through dancing.
“Minsan kasi kapos yung words to describe or to express whatever you feel. Wala ka naman sinabi pero sa feelings na naipakikita ko sa pagsasayaw parang nasabi ko na siya,” sey ni Julian.
“Mas gumaganda rin ang vibe at meron din siyang story telling,” dagdag ni Ella.
Ngayon daw sila ay isang team pero not necessarily a loveteam. Nakakatuwa ang kwento kung paano sila nagsimulang sumayaw together.
Ani Ella, “Yung sa amin is a team. At saka it’s our decision na kaming dalawa yung maging team.
“Nag-start yan noong kailangan ko ng guy para sa music video ko and then sakto nasa office siya tapos kinausap ko siya na ‘uy pwede bang ikaw yung maging ano ko’, tapos sabi niya deal! Pero ikaw din yung sa music video ko. So, ganu’n lang.”
“Destiny ganu’n,” singit naman ni Julian.
Kinilig naman ang online viewers nang sabihin ni Julian na kung nagkataon naman na papipiliin siya ng ka-team ay si Ella pa rin ang magiging choice niya.
“Ang sweet ng dalawa during the interview kaya tinanong sila ng mga host kung ano na ba talaga ang real score sa kanila. For now daw ay somewhere in the middle lang sila.
Sa kanilang mga career, uma-appear na si Julian sa ASAP while Ella continues to accept acting jobs like last Saturday nakasama siya sa episode ng drama series na Karelasyon sa GMA. Posible naman daw na magkasama sila sa isang movie or TV project dahil pareho silang free lancer ngayon.
Going back to Ella, tinanong din siya kung anong masasabi niya sa mga lalaking nagpapantasya ngayon sa kanya dahil sa mga sexy dance video niya sa internet.
Nahihiyang sagot ng dalaga, “Ano ba? Ha-hahaha! Thank you! Hindi ko naman kasi tinatarget na maging sexy, gusto ko lang i-express kung paano ako magsayaw and I think yun ang lumalabas, eh. Kasi nahihiya talaga ako pag nasasabihan akong sexy.”
Dancing, for them talaga is special, “Sa akin yung goal kasi bilang ang tagal ko na din kasing sumasayaw. The goal is to share. Parang to be able to share it parang kailangan kong maraming matutunan para ma-share ko siya and like a few years ago, nagkaroon din ako ng studio and I was able to share.
“So, it’s not just about you, na bukod sa nagpe-perform ka para sa mga tao dapat i-share mo rin kung paano. Ang saya lang na nase-share mo yung piece of you,” chika ni Julian.
On bashing naman, according to Ella hindi siya masyadong affected. Ang pinakaayaw lang niya ay kapag nadadamay na ang family niya, “Sa akin kasi yung masakit na pag dinamay na yung family ko. Pero pag sa pagsasayaw, sa physical appearance di naman. Di na ako naaapektuhan pwera na lang pag sa family na talaga.”
Nabatid na “homegirl” at “homeboy” tawagan nila sa isa’t isa, tinuro ni Ella si Julian at sinabing sa kanya raw nanggaling yun at isang short but sweet answer ang binigay ng binata.
“Kaya ko siya tinawag na homegirl wala lang yun. Ang reason ko kasi we’ve been friends and we’d known each other for a very long time so sabi ko pag nagkikita kami alam kong safe ako sa kanya.
“Homegirl parang home, comfortable ka, walang pretensions, naipapakita ko kung sino ka talaga,” paliwanag ni Julian.
Hirit naman ni Ella, “Ginalingan niya du’n!”