Elmo tanggap na ng pamilya ni Janella, pwede nang mag-date

JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

HMMMM, tila naayos na nga ang gusot sa pagitan ng mga taong nagmamahal kina Elmo Magalona and Janella Salvador kabilang na ang kanilang pamilya.

Openly na kasi ang paglabas-labas ng dalawa together at mukhang tapos na rin ang isyu ng disgusto noon ni Janine Desiderio kay Elmo para sa anak nitong si Janella.

Sey ng mga kausap namin, “Mas open na po sila at nakakalabas na sila ng madalas. Hindi na rin po masyadong nagtatanong pa si Mam Janine kapag si Elmo ang kasama ni Janella,” tsika ng aming kausap.

Read more...