Alden puring-puri ni Lotlot: Galing kasi sa puso ang akting!

alden richards at lotlot de leon

PINURI ni Lotlot de Leon ang acting techniques ni Alden Richards na lumalabas na anak niya sa GMA Telebabad series na Destined To Be Yours. Napansin kasi niyang nag-improve ang acting ng Pambansang Bae sa kanilang serye.

“I think he listens. I think he has the right instincts how to go about his character. Galing naman sa puso niya. I think he’s doing well,” saad ni Lotlot.

Napansin din ng aktres na observant si Alden sa kanya co-actors, lalo na sa senior actors na kasama niya sa set.

Anyway, patuloy pa rin ang init na dala ng DTBY fever sa ngayong malapit na itong mag-isang buwan sa ere. Kahapon sa Full House Tonight, nakipagkulitan sina Alden at Maine Mendoza kay Regine Velasquez-Alcasid at iba pang mainstays ng musical comedy show.

Read more...