Pension adjustment inabot ng taon | Bandera

Pension adjustment inabot ng taon

Liza Soriano - March 18, 2017 - 12:10 AM

NAG-FILE po ng adjustment ang papa ko noong 2012. Nang i-follow up siya sa opisina nila ay nawala na raw ang record. Nag-refile kami noong 2014. Pabalik-balik siya sa office at tapos noong 2016 ang sabi ay naipasa na raw sa Davao.

Pabalik-balik na kami pero ganoon pa rin ang sagot: Maghintay na lang daw po kami.

Name ng papa ko: Felix Viña Rotaquio Jr.

SSS no. : 08…

REPLY: Ito ay bilang tugon sa email ng anak ni G. Felix V. Rotaquio Jr tungkol sa kanyang pension adjustment.

Ayon po sa aming pakikipag-ugnayan sa SSS Bislig branch, naipadala po sa Davao Processing Center (PC) and kanilang request para sa manual verification ng mga hulog ni G. Rotaquio para sa panahon na 1985-1989 noong July 2016.

Ang resulta po ng manual verification at posting ng hulog ng miyembro para sa nasabing panahon ang siyang pagbabasehan ng SSS sa kompyutasyon ng kanyang pension adjustment kung meron man.

Kami po ay makikipag-ugnayan din sa Davao PC upang i-follow up ang manual verification ng mga hulog ni G. Rotaquio.

Para po sa katanu-ngan ng ating mga miyembro, maaari rin po silang mag-email sa [email protected] o tumawag sa call cent3er 920-6446 hanggang 55.

Sana ay nabigyang linaw namin ang inyong katanungan.Salamat po.

Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
Media Monitoring and Feedback
Media Affairs
Department

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.mission (ECC)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending