On- the- spot hiring para sa mga OFWs | Bandera

On- the- spot hiring para sa mga OFWs

Liza Soriano - March 17, 2017 - 12:10 AM

PRAYORIDAD para matanggap sa trabaho ang mga pinauwing mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia.

Itinakda ang job fair sa Marso 28 na kung saan 20 recruitment agencies para sa overseas employment habang 20 namang employers para sa local job placement.

On-the-spot hiring ang nais ng OWWA para sa mga OFWs lalo na ang mga manggagawa na pinauwi dahil nalugi at nagsara ang kanilang kumpanya sa Saudi Arabia.

Nito lamang Marso 13,14 at 15 ay nagkaroon ng pre-registration ang Department of Labor and Employment (DOLE), sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Bureau of Local Employment, DOLE-NCR at National Reintegration Center for OFWs (NRCO) para sa paghahanda ng job livelihood fair na gaganapin sa ika-28 ng Marso at isasagawa sa Occupational Safety and Health Center (OSHC) sa Agham Road, Quezon City.

Ang mga pangunahing mabibigyang benipisyo ng job-cum-livelihood Fair ay ang lahat ng overseas OFW na naninirahan sa National Capital Region (NCR) at Regions 3 at 4-A at kasalukuyang nagtatrabaho sa mga sumusunod na kumpanya, KSA ; Mohammed al-Mojil Group (MMG), Saudi Bin Laden Group of Companies (SBG), Saudi Oger Ltd. (SOL), Mohammad Hameed Al-Bargash&Bros.Trading& Construction, Aluminum Company (ALUMCO L.L.C.), Rajeh H. Al Merri Contracting & Trading Company, Fawzi Salah-Al Nairani Contracting Company, Arabtec Construction L.L.C. at Real Estate Development and Investment Company.

Lahat ng mga interesadong ofw’s mula sa mga nabanggit na kumpanya ay maaari ng magpre register sa philjobnet.gov.ph. kung saan gagabayan ang mga ilan pang natitirang hakbang.

Maaari rin nilang personal na bisitahin ang opisina ng owwa central office sa owwa center 7th St. corner F.B Harrison, Pasay City, DOLE Assist Well Center POEA , EDSA corner Ortigas Avenue, Mandaluyong City; National Reintegration Center forOFWs (NRCO), Blas F. Ople Building,Solana corner Victoria St., Intramuros, Manila,Public Employment and the Service Office (PESO)- Local Government Units PESO-LGUs) in NCR, Region 3 and Region 4-A.

Kapag nakapagparehistro na sa online ay maaring na i-print nila ang stub na ibibigay sa kanila.
Magsisilbi itong ticket upang makapasok sa job fair area na gaganapin sa OSHC nitong darating na Marso 28.

Kahit walang printed stub ay papahintulutan pa rin ang mga nais makalahok sa Job Fair.
Deputy Administrator Josefino Torres
OWWA

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.mission(ECC)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending