Kabogerang female singer feeling reyna, sukdulan ang kayabangan

BLIND ITEM FEMALE 0415

HINDI namin puwedeng palampasin ang mga hinaing ni papa Jobert laban sa pinaiiral na sistema ng Cornerstone, lalo pa’t at one time sa isang presscon ng isang artist nila ay narinig naming nagbiro ang super feeling “queen” na ito na pinipili lang niya ang kanyang tatarayan at pera lang naman daw ang katapat ng pagtataray o pamimintas sa kanila!

Hay, ano ba ang lasa ng tubig at pagkain sa bahay ng artist na ito para mag-feeling reyna na sa industriya? Ang hambog mo te!

Allow mo lang na sabihin namin ito kapatid na Ervin, simula nang maging bahagi kami ng showbiz way back in 1988, sandamakmak na ang inabutan naming nagpasikat at nalaos, nalaos at bumalik at nawaley at tumanda ng ewan. At karamihan pa sa kanila ay may mga lihim na itinatago na siguradong babandera rin pagdating ng tamang panahon. Hay showbiz!

Read more...