Alden epektib na service crew, sinugod ng AlDub fans

ALDEN RICHARDS

ALDEN RICHARDS

Tinalbugan ni Alden Richards ang iba pang celebrity endorsers ng isang fastfood chain sa kanilang National Breakfast Day event yesterday.

Ang dami kasing dumayo sa lugar kung saan nag-serve ng breakfast orders si Alden sa customers. Lahat ay kinilig, lahat ay umorder sa binata. Meron din siyang drive-thru drama na ikinakilig ng mga customers.

Agaw-eksena pa ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Something dahil sa kanilang drama na dumating sakay ng isang mamahaling motorsiklo.

Marami rin namang nagulat at natuwa nang makita ang mag-asawa sa nasabing food chain. But the fact is, mas marami pa rin ang nagkagulo kay Alden when he arrived at the venue.

Meaning, si Alden pa rin ang pinakamalakas at pinaka-effective na endorser ng nasabing food chain. At pinatunayan lang ng binata na kahit wala ang kanyang ka-loveteam ay pagkakaguluhan pa rin siya ng kanyang fans.

Ibig sabihin, mali ang sinasabi ng ilang bashers ng binata na wala nang magic at powers ang aktor kapag muli siyang nagsolo sa kanyang career.

Read more...