Marjorie mas boto kay Joshua para kay Julia, ayaw kay Ronnie?

joshua julia at ronnie
SA ginanap na birthday dinner ni Julia Barretto sa Sugar Factory Restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig noong Biyernes, Marso 10, ay may napansin daw ang mga bisita.

Paniniwala ng mga naroon ay gustung-gusto ng mommy ng aktres na si Marjorie Barretto ang Kapamilya young actor na si Joshua Garcia kaysa sa Hashtag member na si Ronnie Alonte na balitang may gusto rin sa young actress.

Binidyo kasi ni Marjorie ang pagdating ni Joshua sa venue na may dalang pumpon na pulang rosas at malaking stuffed toy na kulay pink.

Ang saya ni Julia nang makita si Joshua at nagyakapan pa ang dalawa kahit na alam nilang kinukunan sila ng video ni Marjorie. At habang kinakantahan si Julia ng “happy birthday” ay katabi pa ni Marjorie si Joshua sa upuan na feeling ng ilang nakasaksi ay close na close na sa isa’t isa.

Pagkatapos kunan ay kaagad na in-upload ni Marjorie ang kuha niya sa anak at kay Joshua.

Wala si Ronnie sa okasyon dahil nauna na raw siyang bumati sa dalaga na nagbigay din ng birthday cake.

Ang haba ng buhok ni Julia, huh? Magkaibang oras at araw pa siya binati ng dalawang lalaking nauugnay sa kanya.

May project ba ulit sina Julia at Joshua? Marami kasing fans ang nagtatanong kung kailan sila uli mapapanood sa screen. Sa ngayon sina Julia at Ronnie ang magkatambal sa seryeng A Love To Last.

Read more...