Julia sasabak sa aksyon; game sa ‘Probinsyano’

julia montes

GAME na game si Julia Montes na mag-guest sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ng rumored boyfriend niyang si Coco Martin.

Parehong ayaw pang umamin ng dalawa sa tunay nilang relasyon pero mas naniniwala ang kanilang mga fans na matagal na silang magdyowa.

Hindi naman itinatanggi nina Coco at Julia na espesyal sila para sa isa’t isa pero ayaw pa nilang lagyan ng label ang kanilang relationship.

Kapag si Coco ang tinanong mo, ang lagi niyang sinasabi, gusto muna niyang isaayos ang future ng kanyang pamilya bago siya magpakasal.

Sey naman ni Julia, “Maas gusto ko lang mag-focus muna ngayon (sa work). Ang tingin ko sa buhay, huwag mo lang madaliin lahat. Kapag mindali moa ng isang bagay, baka mas madaling mawala. Take it slow, relax.”

At dahil katatapos lang ng huling serye niyang Doble Kara, natanong si Julia kung posible bang mapanood muna siya sa Ang Probinsyano ni Coco.

“Hindi naman po sa akin manggagaling ‘yun pero kung tatanungin po ako, gusto ko naman kasi ang ganda-ganda ng soap nila and talagang inspiring ‘yung show. Ang sarap lang maging part nung show.

Tingnan natin, hindi naman po sa atin manggagaling ‘yung decision,” paliwanag ng dalaga.

Anyway, matapos siyang pumirma uli ng exclusive contract sa ABS-CBN, pinaghahandaan na ni Julia ang bagong seryeng gagawin niya.

“Unti-unti nagsisimula na kami mag-training. Super exciting kasi kailangan mo talaga siyang tutukan. May kailangan akong gawin para doon sa soap na ‘yun. Sobrang exciting for me. I can say na new version of Julia,” aniya.

“Basta, ang gusto ko maiba. Ang hirap maging specific pero kung kailangan ng physical, game ako doon.

Mas gusto ko action field ‘yung mga gagawin. ‘Yung drama, medyo nagawa naman na po natin, kaya mas challenging kung may action na kasama,” hirit pa ng dalaga.

Read more...