Sam Pinto dumami ang bashers dahil sa paglalandi kay Cardo Dalisay

sam pinto at coco martin
IN fairness, mula nang mag-guest ang sexy actress na si Sam Pinto sa Primetime Bida series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano ay mas dumami na ang nakakakilala sa kanya, kabilang na riyan ang mga OFW na naka-subscribe sa The Filipino Channel.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ni Sam kay Coco at sa Dreamscape Entertainment na siyang producer ng Ang Probinsyano. Kahit daw may mga bashers na nang-aaway sa kanya dahil sa pang-aakit niya sa karakter ni Coco sa serye bilang si Cardo Dalisay, mas marami pa rin daw ang sumusuporta sa kanya.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Sam sa isang event, diretso nitong sinabi na matagal na niyang crush si Coco.

“Before kapag may mga nagtatanong sa akin kung sino ang showbiz crush ko I always say na si Coco Martin talaga dahil sobrang husay niya umarte, like he is one of actors I really look up to. And working with him, he’s really hands on in every scene, he’s super nice and super helpful talaga,” ang pahayag ng dalaga.

Inasahan na naman daw ni Sam na iba-bash siya nang todo ng mga netizens dahil sa karakter niya sa numero unong serye ng ABS-CBN, kabilang na raw diyan ang mga tagasuporta at social media followers nina Yassi Pressman at Bela Padila, ang bago at dating leading lady ni Coco sa programa.

“Siyempre ang daming nagalit sa akin lalo na yung fans ng Coco-Yassi pati fans nina Coco and Bela, everyone hated me and I love it.

“Because I guess I’m super effective as kontrabida, I’m really happy that everyone appreciates what I am doing,” chika pa ng sexy star.

Hindi rin daw siya nagagalit o napipikon sa mga haters niya, “No, love na love ko talaga yung may mga napipikon sa akin kasi talagang they really appreciate the character and I’m doing well in my work,” ang hirit pa ni Sam Pinto.

Read more...