Maymay kinilig nang malaman ang tunay na ‘feelings’ ni Edward

edward barber at maymay entrata

MATAPOS aminin sa loob ng Bahay ni Kuya na galit siya sa kanyang tunay na ama na nang-iwan sa kanila noon, gusto pa rin ng PBB Lucky Season 7 Big Winner na si Maymay Entrata na makita ang tatay niya.

“Gusto ko lang po magpasalamat sa kanya kasi kung hindi niya ako iniwan hindi ako si Maymay po kung ano ako ngayon,” ani Maymay sa panayam ng Tonight With Boy Abunda.

Hirit pa ng dalaga, “Gusto kong malaman mo na gusto pa rin kita makilala ng buong puso ko dahil hindi naman ako mabubuhay kung wala ka.”

Hiningan din si Maymay ng mensahe para sa kanyang lolo na siyang nagpalaki sa kanya na pumanaw nga habang nasa loob siya ng PBB house.

“Papa Joe, gusto kong magpasalamat sa ’yo ng buong puso dahil ikaw po yung nagtayong Papa sa akin. At hindi ko naramdaman na parang broken family dahil nandiyan ka.

“Nagpapasalamat ako na binigyan mo ako ng pagkakataon na maging matapang at maging palaban sa buhay upang mabigyan ka ng magandang kinabukasan at ngayon kahit wala ka na alam ko na magiging masaya ka dahil alam mong nandito ako ng dahil sa ‘yo,” ani Maymay.

Umapela rin ang PBB Big Winner sa mga tagasuposta niya at sa fans ng kaibigan niyang si Kisses Delavin na huwag nang mag-away-away, “Kung ano yung tapos na at okay na, tama na yun. Parang love, forget the past and be happy.”

Nang tanungin ni Boy Abunda kung ano ang naging reaksiyon niya nang malamang may “feelings” sa kanya ang kapwa housemate niyang si Edward Barber, “Ngayon ko pa lang po nalaman. Ngayon na alam ko na, hindi ko mapigilan na kiligin!”

Read more...