Kris Bernal matutulad sa sinapit ni Aljur Abrenica kapag…

kris bernal

NAGPATALI na naman si Kris Bernal sa GMA Network kahapon. Mas nauna pa niyang gawin ang bagong series bago mag-renew ng kontrata sa home network na dumiskubre sa kanya.

Ibig sabihin nito, tinuldukan na ang tsismis na lilipat si Kris sa kabilang network. Umugong ito bago pa man matapos ang taon. Eh, nang ibigay sa aktres ang remake ng seryeng Impostora na pinagbidahan noon ni Iza Calzado, tumiklop na ang bibig ni Kris.

Sige siya, baka magaya siya sa dating ka-loveteam na si Aljur Abrenica kung patuloy siyang maglalabas ng hinaing dahil sa matagal bago mabigyan ng bagong project?!

Sa Starstruck female winners, tanging sina Jennylyn Mercado at Kris lamang ang madalas mabigyan ng lead roles, huh! Si Jackie Rice, bakante na sa lead role habang si Ryza Cenon, natagalan bago mabigyan ng challenging series gaya ng Ika-6 Na Utos na pinagbibidahan nina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion.

Read more...