Maine handa na sa concert ng Coldplay sa Pinas

maine mendoza

MAPAPANOOD pa rin ni Maine Mendoza ang concert sa bansa ng fave rock band niyang Cold Play sa April 4 sa Mall of Asia concert grounds.

Sa April 9 and 12 pa kasi ang show nilang “KS sa US (Kalye Serye sa US)” kung saan makakasama nila ni Alden Richards sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Sa Pasadena sa California at sa Queens, New York City ang concert ng phenomenal loveteam at ng tatlong lola. First time ng dalawa na magsama sa isang show sa abroad kaya aligaga na ang Team Abroad ng Aldub Nation, huh!

At least, bago umalis pa-Amerika, may mga ngiti si Meng sa pagbiyahe niya. Siyempre, sa bandang unahan kukuha ng ticket ang phenomenal star at kahit sinasamba siya ng buong AlDub Nation, siya naman ang sasamba sa Cold Play.

Anyway, sa series na Destined To Be Yours, nagkatagpo na ang characters nina Alden at Maine kaya naman non-stop na kilig na ang nararamdaman ng mga manobnood, lalo na sa mala-aso’t pusang lambingan ng magka-loveteam. In fairness, nakakaaliw at nakakabaliw ang character ng phenomenal star bilang si Sinag. Natatarayan man ni Alden bilang si Benjie, bumibigay pa rin si Maine kapag ka-face to face na niya ang Pambansang Bae. Parang totoong-totoo ang nagaganap sa kanila at wala nang dapat iakting pa!

Sa isang post naman ni Ronnie Henares na kasama sa cast ng DTBY, change location na ang cast, staff and crew dahil nag-last taping day na sila sa Quezon.

Read more...