Madlang pipol na-bad trip sa soap opera nina Ian at Bea

ian veneracion at bea alonzo

ANG daming naimbiyernang fans nina Ian Veneracion and Bea Alonzo dahil naudlot pa ang date ng dalawa sa A Love To Last.

Nagkaproblema kasi si Andeng (Bea) kaya naman asar na asar ang fans nila. Halata ang kanilang frustration sa comments nila. Talagang pinaghandaan pa naman ni Anton (Ian) ang first date nila.

“Kainis nman na udlot pa hahaha todo effort pa c anton d pla makarating c andeng.”

“Such a beautiful gesture of love by Anton..di nga lang nakita ni Andeng..fingers crossed sa Baguio na talaga!”

“Haizzzt umabsent na ko sa work ngaung gabi para mapanood lng ang #altl tapos ganern lng??? sayang ang effort ni sir anton.”

“Sandamakmak ang commercial. Iilang scene lang tapos yung babae di rin pala makakarating sa date nila. Grabe kayo! Bitin na bitin naman!”

‘Yan ang hanash ng mga avid televiewers ng show. Grabe ang TonDeng (Anton at Andeng) love team, ha. Dami nilang napapakilig. Dami nakaka-relate sa kanilang love affair, ha.

Pero malay ninyo, matuloy din ang date ng dalawa. Who knows what will happen next, ‘di ba?

Read more...