Opisyal ng DepEd patay matapos pagbabarilin sa Lanao Sur
PATAY ang isang opisyal ng Department of Education (DepEd) na nakatalaga sa Lanao del Sur matapos pagbabarilin ng isang nag-iisang salarin sa Parang, Maguindanao, ayon sa pulisya.
Nasa comfort room ang biktimang si Nasser Devanza, schools division superintendent ng Lanao del Sur, sa isang gasoline station sa Barangay Making nang siya ay pagbabarilin ganap na alas-5:40 ng hapon noong Lunes, ayon kay Senior Inspector Erwin Tabora, Parang town police chief.
Sinabi ni Tabora na pabalik na sana ang biktima sa Lanao del Sur matapos dumalo sa pagbubukas ng Autonomous Region in Muslim Mindanao regional sportsfest sa North Upi nang mangyari ang pag-atake.
Namatay ang biktima matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending