Duterte inutusan din si Bato na pumatay ng tao- Lascañas

bato131

MAGING si Philippine National Police chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ay inutusan ng noon ay Davao City Mayor Rodrigo Duterte na pumatay ng tao, ayon sa testimonya ng retiradong pulis sa pagdinig ng Senado kahapon.
Sinabi ni retired SPO3 Arturo Lascañas na nakatrabaho niya si dela Rosa sa pagtarget sa pinaka wanted na kriminal sa Davao Del Sur, na kinilala niya bilang Felicisimo Cunanan, Jr.

Idinagdag ni Lascañas na pinatay niya si Cunanan dahil may baril ito at hindi sumuko sa kanya.
Nagtaas naman ng kamay ang driver at isa pang kasama ni Cunanan na may baril din at kapwa dinala sa heinous crime office ng probinsiya.

Idinagdag ni Lascañas na pumunta si Duterte sa opisina kasama si dela Rosa at pinagalitan ang mga kasama ni Cunanan.

“(After) almost an hour, umalis si Mayor pero ang instruction nya bago sya umalis sa aming dalawa ni Sr. Superintendent Bato dela Rosa is patayin nyo na,” kwento ni Lascañas.

“Hinatid ni Senior Supt. dela Rosa si Mayor sa kanyang sasakyan. Pumasok ako sa opisina ko. Pumasok si Sr. Supt Bato and then sinabi nya sa akin: Wag mong ituloy dahil kawawa yan. Ang sabi ko sa kanya, paano sir pag nagtanong si Mayor? Ang sabi ni Bato, ako na ang bahala. File-an mo lang ng kaso yung isa kasi may baril, yung driver i-release mo. Sabi ko sa kanya, kayo sir,” ayon pa kay Lascañas

Idinagdag ni Lascañas na isang SPO2 Rizalino Aquino ang nakarinig ng kanilang pag-uusap sa kanyang kuwarto.

Matapos ang kautusan ni dela Rosa, sinabin i Lascañas na pinakawalan niya ang driver at kinasuhan naman ng illegal possession ang kasama ni Cunanan.

Read more...