MayMay Entrata tinanghal na #PBBTheBigWinner

17160999_1466741190027156_1245000426_n

TINANGHAL na Lucky Big Winner si Marydale “MayMay” Entrata sa katatapos lang na Pinoy Big Brother Season 7, ang pinakamahabang edisyon ng programa.

Hagulgol dahil sa labis na katuwaan ang isinukli ng big winner nang tawagin ang second lucky big winner na si Kisses Delavin.

“Maraming salamat dahil naging bahagi kayo sa pangarap ko.  Huwag na huwag kayong matakot mangarap, wag kakalimutan ang mga taong tumulong sa inyo,” mensahe ni Maymay sa kanyang mga tagasuporta.

Mag-uuwi si Maymay ng house and lot at Asian tour package.

Ang Second Lucky Big Winner naman na si Kisses ay mag-uuwi ng kalahating milyong piso.

Iniuwi ni Yong Muhajil ang ikatlong puwesto habang si Edward Barber naman ang tinanghal ng 4th Lucky Winner.

 

 

 

Read more...