SMB kampeon na naman, pinadapa ang Ginebra, 91-85

SA ikatlong sunod na pagkakataon, nagkampeon muli ang San Miguel Beer sa PBA Philippine Cup.

Tinalo ng SMB ang Ginebra, 91-85, sa Game 5 ng best-seven championship series na ginanap Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kapwa naka-iskor ang three-time MVP June Mar Fajardo at Arwind Santos ng 21 puntos habang si Chris Ross ay nakapagtala ng 12 points, walong rebounds, 10 assists and anim na steals para sa Beermen, who recovered after blowing a 12-point lead in the third quarter.

Mula sa Kings, naka-iskor ng 26 si Japeth Aguilar na nakapagtala rin ng 16 rebounds, habang si Joe Devance ay merong 20 puntos, 12 rebounds at walong assists.

Read more...