Maine Mendoza binansagang bagong Maricel Soriano, Kikay na tv host-actress

 

BAGONG Maricel Soriano! Yan ang tawag ngayon ng mga Dabarkads at ng ilang AlDub Nation sa Phenomenal Star at Dubsmash Queen na si Maine Mendoza.

Sa ipinapakita kasing performance ngayon ni Maine sa primetime serye nila ni Alden Richards sa GMA 7 na Destined To Be Yours, at sa mga punchlines niya sa Eat Bulaga, marami ang nagsasabing pwedeng-pwede siyang sumunod sa yapak ng Diamond Star.

Sa nakaraang birthday celebration ng dalaga sa Eat Bulaga noong Sabado, hinandog ni Maine ang lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya ang kanyang bonggang opening number, “Itong araw na ito hindi lang para sa akin…ito ay para sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta.”

Bidang-bida ang Phenomenal Star na kumanta, sumayaw at nag-drums na may kasamang patawa, huh! Matapos ang opening number, lumabas ng studio si Meng para puntahan ang fans niya sa labas para batiin sila.

Lalo pang lumabas ang pagiging kikay ni Maine sa Juan For All All For Juan nang pumapel siyang barangay secretary. Bentang-benta ang antics niya lalo na nu’ng magsama na si ni BaeTanod na si Alden.

Sa pagiging versatile ni Meng, sinabi nga ng mga netizens na siya na ang bagong Maricel Soriano na kaya ring kumanta, sumayaw, mag-host at umarte.

Eh, may hang over pa ng regalo si Meng sa fans dahil ipinalabas din kahapon ang pilot episode ng pinag-uusapan at top rating na Destined To Be Yours.  Kapwa overwhelmed sina Alden at Maine sa magagandang reaksyon ng netizens sa series nila.

“Sobrang happy, masaya kami na talagang maganda ang naging feedback ng Destined To Be Yours. Pagbubutihin pa naman,” saad ni Alden.

q q q

Itinanggi ng negosyanteng si Dr. Carl Balita na tatakbo siyang senador sa 2019. Meron daw kumukuha sa kanyang partido noon pero mas gusto niyang magturo na talagang adbokasiya niya.

Kaya naman sa pangalawang venture ni Dr. Carl sa film production tungkol sa mga teacher ang konsepto nito, ang “Maestra” na pinagbibidahan nina Gloria Sevilla, Angeli Bayani, Anna Luna, Paul Salas at iba pa.

Una niyang ipinrodyus ang indie movie na “Nars” na pinagbidahan ni Jennylyn Mercado.

“Payback ang dahilan kaya ako nag-produce uli. Nu’ng ginawa ko ang ‘Nars’, ‘yun ang panahong nagkaroon ng problema sa nursing, ‘yung leakage sa exam. So kailangan kong tumulong para mag-bounce back kasi supportive din sa akina ang nursing community.

“Ngayon naman, sobrang support sa akin ng teacher’s community. Sabi ko, payback. Saka advocacy. Kasi ang daming batang gustong mag-teacher pero dini-discourage.

“Kasi may notion pa rin na, ‘O, matalino ka. Huwag kang mag-teacher! Hindi ka yayaman.’ So through this film kasi may isang istorya rito na pinilit niya ang pangarap niay na maging teacher. Sinulong niya talaga against all odds,” pahayag ni Dr. Carl sa presscon ng movie.

Bakit niya pinasok ang production?

“Suwerte naman po kasi namili ako ng tao. Happy productions po kami. Kahit sa expenses, very logical. Hindi sila ‘yung kakagatin ka sa leeg and I was clear from the beginning,” rason niya.

Kumusta siya bilang producer?

“Visionary. I know what I want. I want quality. I want the best. We’re not looking at money. I’m looking what’s the purpose of this project. Doon kami nakatutok,” paliwanag ni Dr. Carl.

Mula sa direksyon ni Lemuel Lorca ang “Maestra” na siya ring gumawa ng “Echorsis”, “Intoy Syokoy ng Kalye Marino” at “Neds Project.”

 

Read more...