Cristine sa pag-aartista ni mister: Bakit ko siya pagbabawalan?

CRISTINE REYES AT ALI KHATIBI

CRISTINE REYES AT ALI KHATIBI

SOBRANG happy si Cristine Reyes sa online clothing store niya, ang Cristine.

“Sabi ko nga, sana noon ko pa ginawa. Pero okay lang kasi ngayon pa lang siya nauuso. Iba-iba ang supplier ko. May supplier ako from China, Korea, Australia. Nag-soft launch ako last December. Ang daming orders, ang daming re-sellers,” chika ni Cristine sa presscon ng bagong reality talent show na I Can Do That.

Nag-aartista na rin ang dyowa niyang si Ali Khatibi.

“Actually, kasi si Boss Vic (del Rosario) naghahanap. Sabi niya, baka puwede si Ali kasi MMA player, jujitsu champ. Bagay na bagay siya sa movie with Anne Curtis and Brandon Vera,” chika ni Cristine.

“Okay ako siyempre (mag-artista si Ali). Ano reason ko para sabihin ko sa kanya na huwag. Sabi ko,’sige-itry mo. Hindi pa siya nagsisimulang mag-shoting although meron na siyang tinapos na sitcom sa Sari-Sari Channel. Enjoy talaga ang sitcom. Tingnan natin ang totoong labanan kung gumawa ka ng movie or teleserye,” dagdag pa niya.

May image na maarte itong si Cristine kaya naman natanong siya kung bakit siya sumali sa I Can Do That hosted by Alex Gonzaga and Robi Domingo.

“Unang-una, very competitive ako. Sobrang sakto sa akin ito. Ito ‘yung hinihintay ko kaya nu’ng sinabi sa akin ito, kahit na may hesitations dahil natatakot ako kung anuman ang gagawin namin ay umoo pa rin ako.”

Read more...