Horoscope, March 03, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Dahil nalalapit na naman ang Mahal na Araw, magandang simulan ang araw sa panalangin at pagwi-wish. Makikita mo, kusang matutupad ang iyong hiniling bago sumapit ang ika-12 araw. Mapalad ang 4, 16, 25, 37, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Green at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Blessing in disguise ang magaganap. Ang pagkabaon sa mga pagkakautang ang magtutulak upang magpilit na yumaman. Sa pag-ibig, ang tampuhan ay mapapalitan ng mas maalab na romansa sa darating na mga araw. Mapalad ang 1, 10, 19, 22, 37, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Green at magenta ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Upang lumigaya maging praktikal sa lahat ng bagay. Hindi ba’t dati ka nang naging emosyonal, ano ang napala mo? Pagluha at kabiguan. Sa panahon ngayon, isip ang paganahin at makikita mo, liligaya ka at uunlad. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om-Veda.” Yellow at blue ang buenas

Gemini – (May 21-June 21) — Tandaang kapag nawala ang mga kaibigan, may iisang laging naiiwan – ang mga mahal sa buhay. Sa pinansyal, walang ibang maasahan kundi ang kasuyo mong uto-uto kaya dapat na mahalin mo siyang mabuti. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 48. Mahiwga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Green at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Kung hindi kakalimutan ang mga nagdaang kabiguan, paano makapagsisimula ng bagong pagkakakitaan sa ngayon? Sa pag-ibig, kalimutan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong kasuyo. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.”Beige at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa pinansyal, wag mong kontrahin ang paniniwala ng iyong kasuyo magkakagalit lang kayo. Para magkapera, umoo ka lang nang umoo sa kanya. Mapalad ang 6, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Green at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Kung talagang mahal mo ang kasuyo, magsa-sakripisyo ka alang-alang sa kanya. Ganoon din para umunlad, mas mabuting ilaan ang maraming oras sa mga bagay na pagkakaperahan. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om.” Green at beige ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Hindi mo ba naiisip na hindi laging masagana ang buhay? Habang maalwan ang pasok ng salapi simulan mo ng mag-savings ngayon. Sa pag-ibig, habang pinagseselos ang kasuyo, lalo ka naman niyang mamahalin. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Magenta at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Wag maging tamad! Dagdagan pang lalo ang pagsisipag upang lalong lumaki ang kinikita. Sa pag-ibig, sipagan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo upang mahulog na ng husto ang loob nya sa iyo. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Om.” Silver at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Upang kumita ng malaking halaga ngayong tag-araw at sa nalalapit na graduation day mag-isip ng negosyong may kaugnayan sa mainit na panahon. Sa pag-ibig, wag maniwala sa mga tsismis, isa lang ang dapat paniwalaan – ang kasuyong Aries. Mapalad ang 1, 5, 18, 23, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Siva-Om-Krisna.” Silver at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Upang suwertehin sa larangan ng salapi ngayon pa lang ilista na kung saan mo dadalin ang maraming pera sa sandaling tumama ka ng jackpot sa lotto. Sa ganyang paraan, masasagap ng “unconscious mind” mo ang malaking panalo. Mapalad ang 6, 15, 24, 39, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Krisna.” Red at Green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi puro hirap at problema ang buhay, sa pagdating isang Libra, magbabago rin ang kapalaran. At kapag may dumating, wag mo na itong papalagpasin pa upang habambuhay nang lumigaya. Mapalad ang 1, 10, 26, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Smile though your hearts is aching.” Green at orange ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Ituloy ang binabalak na paglalakad. Lakad lang nang lakad hanggang makatalisod ang malaking suwerte. Sa pag-ibig at pinansyal, habang naglalakad mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang masasagap. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Gray at silver ang buenas.

Read more...