San Miguel, Ginebra mag-uunahan sa 2-1

FEBRUARY 24, 2017: Alex Cabagnot of San Miguel goes for a reverse against (from left) Dave Marcelo, Scottie Thompson, and Jervy Cruz of Ginebra. INQUIRER PHOTO/ Sherwin Vardeleon

(Araneta Coliseum)
7 p.m. Ginebra vs.
San Miguel (Game 3)
Game 1: San Miguel 109, Ginebra 82
Game 2: Ginebra 124, San Miguel 118 (OT)
SINO ang makakakuha ng 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series?
Beer o Gin?
Muling maghaharap ngayon ang paboritong San Miguel Beer at ang never-say-die na Barangay Ginebra para sa Game 3 ng PBA Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Tinambakan ng Beermen ang Gin Kings sa unang laro, 109-82, sa SM Mall of Asia Arena pero remesbak ang Barangay Ginebra sa Game 2 para manalo sa overtime, 124-118, sa Lucena City.
Pakiwari ni Ginebra head coach Tim Cone na ang mananaig sa Game 3 ay kung kaninong bench ang makapag-contribute ng malaki sa laro.
“We’re getting to the third game, and both teams are going to have to reach deep into their benches,” sabi ni Cone.
Bagaman inaasahang daragsain muli ng Ginebra die-hards ang laro sa Araneta Coliseum ay llamado pa rin ang San Miguel Beer sa match-up na ito.
Nasa Beermen pa rin si June Mar Fajardo, ang pinakadominanteng manalalaro sa PBA ngayon.
Matapos na manalasa si Fajardo sa Game 1 kung saan kumulekta siya ng 17 puntos at walong rebounds ay nalimita siya siya sa 10 puntos lamang sa Game 2.
Nanguna sa pagpigil sa higanteng si Fajardo sa Game 2 si Joe Devance na nagbida rin para sa Ginebra sa overtime.
Bagaman naagaw ng Ginebra ang sinasabing “momentum” ng serye ay hindi pa rin magpapabaya si Cone sa Game 3 lalo pa’t naghabol sa laro ang Beermen at muntik pang manalo sa Game 2.
“It just goes to show how good San Miguel is in terms of their ability to come back from a 24-point halftime deficit. They just dominated us in the third quarter and most of the fourth,” sabi pa ni Cone.
“The only good thing we did is we were resilient. We fought with the ups and down, and we continued to battle. We found a way to put it into overtime. We played absolutely perfect basketball in the first half. We were awesome in the first half.”
Gayunman, tiyak na babawi ang Beermen.
“Positibo pa rin kami, lalo’t nakabalik pa kami, nakalamang ng tatlo matapos kami maiwan ng 26 points,” sabi ni Beermen team captain Arwind Santos. —Angelito Oredo

INQUIRER PHOTO

Read more...