MAS open at mas confident na ngayong humarap sa entertainment press si Albie Casino. E, kasi nga, wala ng isyu, intriga at kontrobersiya tungkol sa kanya na dapat niyang sagutin.
Sa presscon ng bagong horror movie ng Regal Entertainment na “Pwera Usog” showing on March 8, game na game na sinagot ng hunk actor ang mga tanong ng press tungkol sa kanila ni Andi Eigenmann.
“Ngayong wala nang intriga o controversy na pinag-uusapan, hindi na ako takot humarap sa press.
Hindi na ako nai-stress at ang saya pala ng ganu’n,” ang pahayag ni Albie na super excited na sa bago niyang movie project sa Regal.
Nang tanungin kung feeling ba niya ay malaki ang naitulong ng isyu sa kanila ni Andi sa kanyang career, “I’d rather not. Kung pinapili mo sa akin, mas okey sa akin na hindi nangyari yon. Oo, sana hindi na lang siya nangyari.”
Alam na ng lahat na hindi si Albie ang tatay ng anak ni Andi na si Ellie kundi ang anak ni Mayor Joseph Estrada na si Jake Ejercito. Vindicated ang binata sa lahat ng isyu na ibinato sa kanya ni Andi noon.
Sabi ng binata, wala na raw dahilan para magkita at mag-usap sila ni Andi. Para sa kanya “case closed” na ang bahaging ‘yun ng kan yang buhay.
“Kahit naman anong gawin niya hindi na niya mababalik yung nangyari, eh. So, parang walang point, there’s no point (na mag-usap pa),” pahayag ng aktor.
Actually, nagkita na raw sila ni Andi noon sa isang bangko at naging civil naman daw sila sa isa’t isa, “Being civil is different from being okay. I’m just a civil person, I have totally moved on from that.”
Hindi na rin daw siya galit sa dating girlfriend na naging dahilan ng pagkasira ng career niya noon.
May non-showbiz girlfriend si Albie ngayon at mahal na mahal daw niya ito, “I’m very happy right now.
Just how I liked it non-showbiz, di ba? Nu’ng nakilala ko nga siya hindi niya alam na artista ako, eh. So yon yung mga gusto ko.”
Mas feel din niyang gawing private na lang ang kanyang lovelife para iwas-intriga, “Maybe natakot din dahil sa nangyari before. Pero parang even before that, hindi rin naman ako yung nagpo-post sa Instagram masyado.
“Hindi ako nagpapa-follow sa Facebook. Hindi ako magaling sa social media tulad ng ibang artista,” chika pa ni Albie.
MOST READ
LATEST STORIES