Serye nina Alden at Maine wagi sa rating; buong universe naki-join sa Twitter party

maine mendoza at alden richards
NAGLABAS na naman ng bagsik sa mundo ng Twitter ang AlDub Nation kaugnay ng world premiere ng Destined To Be Yours last Monday. As expected, namayani na naman ang hashtag na #DestinedToBeYoursWorldPremiere sa naganap na Twitter Party nu’ng Lunes.
Eh, very resourceful ang ADN sa pagkuha ng figures pagdating sa number one trending topic sa Twitter kaya naman ibinahagi nila ito sa publiko para masupalpal ang mga hater at basher nina Alden at Maine pati na sa una niyang soap opera sa GMA primetime.
Ayon sa ADN, humamig ng 3.95 million ang official hashtag. Nagkamit naman ng 2.73 million ang tagline pero hindi kasama roon ang ibang hashtag na ginamit.
Ang top 10 countries na nanguna sa Twitter party gamit ang official hashtag ng nasabing GMA primetime serye ay ang America, Philippines, Singapore, Hong Kong, Kuwait, Canada, Italy, Macau, Saudi Arabia at United Arab Emirates.
Umani rin ng mga papuri ang acting nina Alden at Maine bilang sina Benjie Rosales at Sinag Obispo.
Hinangaan din ang theme song na “Tadhana” ni Denise Barbacena, ang location, husay ng co-stars at direksyon ni Irene Villamor.
Isa sa nag-abang sa preem ng DTBY ay ang kababayan nating si Rico Hizon mula sa BBC World News Broadcast journalist.
“Kudos @aldenrichards02 @maindcm on the success of #DestinedToBeYoursWorldPremiere Great chemistry. Will be watching. Proud of you both!” mensahe ni Hizon.
Ayon naman sa kolumnista na si Bum Tenorio, “Fast-paced! The cadence and tempo well executed. My heart is floating. #DestinedToBeYoursWorldPremiere.”
Tadtad din ng commercials ang unang episode kaya naman bitin ang sigaw ng ilang ADN, huh!
Naglabas naman ng ratings kahapon si Rams David, President ng Triple AAA. Sa tweet ni Rams, nakakuha ng 11.8% ang DTBY sa NUTAM habang ang katapat na show ay 10.3% lang.

Read more...