MAS bagay kay Alden Richards ang itsura niya ngayon pagkatapos niyang maospital. Nabawasan kasi siya ng timbang, bagay na bagay sa kanya ang ganyang weight, hindi ‘yung parang namumurok ang magkabila niyang pisngi.
Pagpansin ng marami ay nagkaroon ng leeg ang Pambansang Bae, mas bumagay sa kanya ang ganu’ng itsura, pero nakalulungkot lang isipin na kinailangan pa niyang magkasakit para lang makuha niya ang tamang timbang.
Nakita si Alden sa Baguio ng mga kaibigan namin, sila ni Maine Mendoza ang tampok sa isang karosa, magaan ang dating ng aktor sa mga kababayan natin dahil hindi siya suplado.
“Nakaraan na ang float, pero nililingon pa rin ni Alden ang mga fans niya na hindi gaanong nakakita sa kanya habang dumadaan. Gumagawa siya ng paraang mapasaya ang mga nag-aabang sa kanya.
“Mabait si Alden, hindi put-on ang pagiging nice niya, with or without camera, consistent si Alden sa pagiging humble at nice niya,” komento ng aming kaibigan.
Ngayon siguro ay alam na ng binata ang pakahulugan sa pag-aalaga sa kanyang katawan. Naminsan na siya, hindi na halos siya makagalaw kahit gusto pa rin niyang magtrabaho, siguradong mamahalin na ngayon ni Alden ang kanyang kalusugan.
Ang pera ay madaling kitain, pero kapag namroblema tayo sa katawan ay sakop lahat-lahat, tigil ang kahit anong ginagawa natin dahil sa kakulangan sa energy. Ganu’n mismo ang nangyari kay Alden.
“Pero mas bagay sa kanya ang weight niya ngayon, pati ang face niya, mas na-emphasize ang kaguwapuhan niya sa pagpayat niya nang konti,” pagpansin pa ng aming kausap.
MOST READ
LATEST STORIES