All-out war sa Abu Sayyaf

ANG pagpugot sa 71-anyos na German hostage na si Juergen Kantner ng Abu Sayyaf ay sukdulan sa kanilang pang-aabuso at dapat ay pulbusin na ang grupong ito.

Ang pangingidnap sa mga banyaga at kapwa nila Pinoy at pagpugot sa mga ito kapag hindi nabigyan ng ransom at pagpatay ng mga sundalo ay dapat suklian na ng gobiyerno ng karampatang karahasan.

Ang mga military operations na ginawa laban sa Abu Sayyaf noon ay hindi naging matagumpay dahil ang mga bandidong ito ay tinatago ng kapwa nila Muslim.

Isa lang ang paraan upang masugpo ang Abu Sayyaf: Dapat ay magdeklara ang gobiyerno ni Pangulong Duterte ng all-out war sa bandidong grupo at sa protektor nito na Moro National Liberation Front (MNLF) at maging mga lokal na mga opisyal.

Hindi lalakas ang loob ng mga bandidong ito kapag wala silang proteksiyon sa MNLF at sa mga lokal na opisyal.

***

Kapag nagdeklara ng all-out war ang gobiyerno laban sa Abu Sayyaf at sa MNLF sa Sulu at Basilan, tiyak na mapapaluhod ang mga ito.

Hindi pa nakakalimutan ng mga tribung Tausog, Maranaw at Maguindanao ang giyera sa Mindanao noong dekada ’70.

Ang mga rebeldeng MNLF ay miyembro ng mga tribung nabanggit.

Noong kasagsagan ng giyera sa Mindanao noong dekada 70, may mga sundalo na lumusob sa mga baryo ng mga Muslim, kung saan nagtatago ang mga rebelde, at pinatay ang mga kalalakihan dito bilang paghihiganti sa pagkamatay ng kabaro nilang sundalo.

Isang isla sa Sulu, kung saan nalipol ang isang company ng Army, ay binomba ng mga kanyon at fighter planes na nagresulta sa pagkamatay ng maraming naninirahan sa isla.

Sa ilang probinsiya ng Cotabato, ang grupong militia na tinatawag na Ilaga ay nagpigil sa pagsakop ng mga Christian provinces dahil pinatay nito ang mga lalaking Muslim, armado man o walang armas, upang ipaghiganti ang pagpatay sa kanilang mga kasamahang Kristiyano.

Maraming mga Kristiyanong walang kinalaman sa giyera ang pinagpapatay ng mga rebeldeng Muslim.

Both sides committed atrocities.

Hindi mapigilan ang pagmamalabis ng mga sundalo at militia sa Mindanao dahil sa paghiganti sa kanilang mga kasamahan.

In the early months of the Mindanao war in the 1970s, mas moderno ang mga armas ng mga rebeldeng Moro: Ang mga bitbit nila ay Belgian FAL rifles at G-4 na gawa sa Germany.

Ang mga armas ng government soldiers ay mga World War II vintage Garand rifle at Carbine. Kakaunti pa lang ang may bitbit ng M-16 at M-14 rifles.

Pero kahit na sila’y outgunned ng mga rebelde, mas marami naman ang government soldiers.

Kapag napatay ang isang sundalo, dalawa ang kapalit niya.

Sa kabilang dako, kapag napatay ang isang rebelde, nahihirapan ang pamunuan ng MNLF ng kapalit.

It was a war of attrition at ang panig na mas marami ang nagwagi; siyempre, ang gobiyerno ang nanalo.

***

Ang mga lider ng mga baryo o bayan na kumukopkop sa mga Abu Sayyaf ay dapat pagsabihan na pananagutin sila ng gobiyerno.

Kapag binantaan sila ng military na huwag kupkupin ang Abu Sayyaf kung ayaw nilang masalvage o mapatay at sampolan ng dalawa o tatlo, wala nang kukopkop sa mga Abu Sayyaf.

At dapat ay hindi mag-aatubili ang militar na pumatay ng village or town official na kumukopkop ng mga Abu Sayyaf.

***

Siguradong patok ang taktika na pinapanukala ng inyong lingkod.

Hindi po original ang taktikang nabanggit.

Noong kasagsagan ng giyera sa Mindanao, hinostage ng mga rebeldeng MNLF ang isang barko sa Sulu na puno ng mga pasahero.

Ang brigade commander noon ng Sulu ay si Col. Salvador Mison.

Kahit na anong pakiusap ni Mison sa mga rebeldeng nang-hostage ay ayaw nilang pakawalan ang kanilang mga bihag.

Anong ginawa ni Mison?

Inutusan niya ang kanyang mga tauhan na alamin ang mga kamag-anak ng mga hostage-takers at kidnapin ang mga ito.

Nang matupad ang utos ni Mison, nakipag-usap siya uli sa mga hostage-takers.

Sabi niya, “Kapag pinatay ninyo ang isa lang sa mga pasahero ay papatayin ko ang mga kamag-anak ninyo na hawak namin.”

Read more...