Anak ni Gary V umaming dyowa si Sam Concepcion

sam concecion at kiana valenciano

INAMIN ng dalagang anak ni Gary Valenciano na si Kiana na boyfriend na niya si Sam Concepcion.

Sa episode last Sunday ng Gandang Gabi Vice, hindi na nakaiwas si Kiana na pag-usapan ang relasyon nila ni Sam. Kasama ng dalaga ang pinsan niyang si Donny Pangilinan nang mag-guest sa late-night talk show ni Vice Ganda.

Actually, parang inaasahan na rin ni Kiana na tatanungin siya ni Vice tungkol sa kanyang status dahil hindi na siya nagulat.

“May boyfriend ka ba? Kayo na ni Sam?” ang diretsong tanong ni Vice sa dalaga. Natawa lang si Kiana lalo na nang ipakita sa background ang mga pictures nila ni Sam na naka-post sa social media. Tango lang ang isinagot nito sa TV host-comedian bilang pagsang-ayon.

“Matagal na kayo? Ilang months na kayo?” Natawa uli ng malakas si Kiana sabay sabing, “Oh, my gosh!”

Hirit naman ni Vice, “Oh, ang pa-girl naman nito. Babae na, nagpa-girl pa?”

Tumango muli si Kiana nang kulitin ni Vice kung officially na silang magdyowa.

Mukhang botong-boto naman ang mga magulang ni Kiana na sina Gary at Angeli Pangilinan kay Sam dahil matagal na ring nakakasama ng mga ito ang binata. Kumbaga, talagang na-develop ang relasyon ng dalawa mula sa magandang friendship.

Read more...