Horoscope, February 27, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: May lihim na naiinggit sa iyo, wag silang pansinin upang hindi masira ang araw mo. Sa pinansiyal, ituloy mo lang ang pagpapayaman. Sa pag-ibig, ang mga intriga ang lalo pang magpapatibay at magpapalawig ng inyong relasyon. Mapalad ang 3, 4, 12, 21, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yoti-Dosya-Om.” Violet at orange ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — May babala ng karamdaman. Uminom ng maraming tubig at regular na mag-ehersisyo. Bumili ng bagong bike at mag-bisikleta tuwing umaga. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 44 at 48. At laging bigkasin ang mahiwaga mong mantra: “E-very day, in every way, I am getting better and better!” Pink at yellow ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Ipagpaliban ang anomang pagbabago! Manatili sa kasalukuyang pinagkakakitaan. Sa pag-ibig, hindi dapat ikonsidera ang maling advice ng mga kaibigan, wag makipaghiwalay sa kasuyong mapera. Mapalad ang 6, 12, 23, 27, 36, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Red at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Umiwas sa pakikipagtalo, may isang nilalang na mainitin ang ulo ang magpapahamak sa iyo. Sa mga walang kibong nilalang kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, piliin ang isang Sagittarius. Mapalad ang 5, 14, 23, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Speculum-Meum-Aum.” Orange at purple ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — May darating na magandang oportunidad sa pag-ibig at pagkakaperahan hatid ng isang Capricorn. Wag ka ng umarte-arte pa – sunggaban mo agad! Mapalad ang 2, 11, 29, 35, 39, at 47. Mahiwaga mong manra: “Katha-Upanisad-Aum.” Red at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa pinansyal sa buwan ng Marso at Abril magiging magaan ang dating ng pera. Sa pag-ibig, ipatupad ang matagal mo ng planong mamasyal at makipag-date sa kasuyo sa malayong lugar. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Om.” Yellow at maroon ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Makuntento sa kasalukuyang karelasyon. Sa susunod na buwan sisiglang muli ang aspetong pang-sexual. Sa career, ipagpasalamat ang kasalukuyang hanapbuhay, wag nang maghangad ng mas mataas na posisyon. Mahiwaga mong mantra: “Better to want what you have than to have what you want.” Mapalad ang 5, 9, 27, 33, 42 at 45. Red at white ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Hindi ka lang susuwertehin sa pakikipagrelasyon, kundi papalarin ka rin sa larangan ng materyal na bagay kung pananatiliin ang pagmamahal sa pamilya. Ang tapat at dalisay na pag-ibig ang pundasyon ng masaganang kabuhayan. Mapalad ang 3, 18, 25, 34, 37 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Certum-Est-Quia-Est-Aum” Pink at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Dahan-dahan lang! Hindi lahat ay nakukuha sa bilis. Sa pinsansiyal, matutong maghintay. Sa pag-ibig, wag kulitin ang kasuyo, hayaan mo siyang kusang bumigay. Mapalad ang 7, 13, 25, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Om.” Purple at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Konsentrasyon ang dapat! Itutok ang isipan sa pagkakamal ng maraming salapi at maligayang pamilya. Sa pag-ibig, may masarap na romansahan kung itutuon ang iyong pagmamahal sa iisang kasuyo lamang. Mapalad ang 3, 12, 27, 38, 41 at 44. Mahiwag mong mantra: “Aum-Agla-Aum.” Blue at magenta ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag gumawa ng maling bagay na makakasakit sa damdamin ng iba. Hanggat makakaya pa iwasan ang mga immoral na relasyon. Sa pinansiyal, upang lalong dumami ang benta tandaang “costumer is always right.” Mapalad mong mantra: “Hare-Bhakti-Bhakti-Yoga.” Yellow at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Umalis muna sa sinilangang bayan upang maka-iwas sa intriga. Sa malayong pook yayaman ka. Sa pag-ibig, sa isang sasakyang panghimpapawid o kaya’y pangdagat, mami-meet mo ang iyong true love. Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Maroon at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Kung lagi kang nagbibigay darating ang araw ikaw naman ang bibigyan ng tadhana ng maraming siksik, umaapaw at liglig pa. Sa pag-ibig, boluntaryong ibigay sa kasuyo ang matagal nya nang hinihingi – pera at masarap na romansa. Mapalad ang 2, 25, 28, 32, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Om.” Green at blue ang buenas.

READ NEXT
Bumigay agad
Read more...