Bumigay agad

Sulat mula kay Beverly ng Poblacion, Tungawan, Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,
Sa unang pagkikita pa lang namin ng lalaking naka-text mate kong tawagin na lang nating Martin ay na in love na po ako sa kanya, kaya naman matapos naming mag-meryenda ay nagawa kong sumama sa kanya sa isang pri-badong lugar. Hindi ko nga po alam kung paanong nangyari iyon at parang may pagsisisi akong nadama pero masaya naman po ako nang ma-realize kong mali ang aking nagawa. Itatanong ko lang sana kung siya na kaya ang lalaking makakatuluyan ko at makakasama habang buhay? Compatible po ba kaming dalawa, November 14, 1993 ang birthday ko at July 8, 1991 naman po siya.
Umaasa,
Beverly ng
Zamboanga City

Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin ang unang seryoso at totohanang relasyon na dadapo sa iyong karanasan ang humigit kumulang siya na rin ang iyong mapapangasawa at makakasama habang buhay.
Cartomancy:
Ace of Hearts, Nine of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang masayang romansa na hahantong sa isang masaya at pang habang buhay ng pagibig ang darating ngayng taong ito ng 2017 sa edad mong 23 pataas.
Itutuloy…

Read more...