NAKAKALOKA ang last quarterfinals ng Tawag Ng Tanghalan noong Sabado sa It’s Showtime.
Ang gagaling ng mga kalahok at talaga namang tatlo o apat yata sa pitong naglaban-laban ang nais naming mapanood sa grand finals.
Sina Sam Mangubat ng Luzon at Carl Malone Montecido ng Visayas ang dalawa sa pinalad na makakuha ng pinakamataas na boto mula sa text votes at mga hurado. Pero sa mga judge, ang kapwa-Bicolanong si Froilan Canlas ang numero uno.
We approached Froilan after he sang a Fra Lippo Lippi song na hindi mo iisiping pangkontes and yet, bonggang-bongga niyang nabigyan ng magandang rendition.
Napakamapagkumbaba ni Froi sa mga papuri sa husay niya lalo pa’t mismong si klasmeyt-pare Ogie Alcasid ang harapang nag-endorso sa kanya para iboto ng mga viewers. “It would be a big injustice kung hindi ka mapapasama sa grandfinals,” sey pa ng huradong si Ogie.
Pero, hindi nga ganu’n ang nagyari dahil pumangatlo lang si Froilan kina Sam at Carl Malone.
q q q
Dahil sa kakaibang gimik at sorpresa ng It’s Showtime, mabibigyan ng pagkakataon ang lahat ng semifinalists mula noong quarter one hanggang sa fourth quarter na maglalaban-laban uli.
Yes, may “wild card round” para sa kabuuang 14 na hindi pinalad noong unang sabak nila sa semis. Labanang pang-grandfinals na nga ito for them dahil dalawa lang uli ang kukunin out of 14 na napakagagaling na.
Yung iba nga ay meron ng mga karir na bongga and yet, pumayag pa silang sumubok sa TNT dahil kahit maging grandfinalist ka lang ay isa nang super bonggang achievement.
Beginning Monday, halo-halo na uli ang labanan sa Tawag Ng Tanghalan at pihadong sasakit na naman ang ulo ng mga hurado. Sana lang talaga, gawin na lang 40% ang text votes para mas manaig pa rin ang powers ng mga hurado na siya namang araw-araw talagang sumasala sa mga kalahok.
q q q
Ngayong nasa kulungan na si Sen. Leila de Lima, pihadong mas magiging kontrobersyal pa ang senadora sa mga susunod na araw. Asahan na natin ang mga nakakalokang twists and turns sa bagong political series na ito.
Nakakaloka lang dahil parang napakaordinaryo na ngayon ang magpakulong ng mga lider ng bansa and yet, parang ang karamihan ay dito pa rin gustong mangarir.
Well, wala na kaming gustong sabihin para kay Sen. de Lima. Sa tagal naming sinubaybayan at pinakinggan ang mga hearing niya o para sa kanya o laban sa kanya, nawalan na kami ng gana.
Hanggang sa mga sandali kasing ito ay feeling totoong-totoo itong si Senadora at bukod tanging tao sa bansang ito na nagsasabi ng totoo at walang palpak na ginawa.
This despite the so many accusations and people testifying na may kinalaman siya sa mga ibinibintang sa kanyang isyu kaya siya nakakulong ngayon.
q q q
Magkaiba man ng paraan ng pagpapahayag ang mga mahal naming sina Sen. Jinggoy Estrada at Bong Revilla sa isyu ni Leila de Lima, malinaw ang pinupunto nilang dumating na rin ang karma ng matapang at matalinong senadora.
Si De Lima ang noo’y DOJ Secretary na nag-utos na ipaaresto ang dalawang senador kasama si Sen. Juan Ponce Enrile pero ngayo’y kapitbahay na nila sa Camp Crame.
Matapang si papa Jinggoy na “mag-shame on you” kay de Lima dahil sa paghingi nito ng saklolo sa Senado noong ise-serve na ang warrant laban sa kanya. Parang nangurot naman ng puso at kunsensya ang pahayag ni Sen. Bong hinggil sa umano’y nararamdaman na rin ni de Lima ang naramdaman niya at ng kanyang pamilya noong siya ang ipinaaresto nito.
Hay, buhay nga naman!
MOST READ
LATEST STORIES