TRUE to her promise upon her appointment ay idinoneyt nga ni Mocha Uson ang kanyang (unang sahod) sa DSWD bilang katatalagang board member ng MTRCB.
Mismong kinunan niya ng litrato ang suweldong tinanggap niya (P60,500) which she posted on her social media account. Hindi pa nagkasya roon, may kuha rin siya ng resibong ipinambili niya ng mga grocery items na nagkakahalaga ng mahigit P51,000.
Bagama’t hati ang reaksiyon ng mga netizens, tila mas marami ang dismayado sa ginawang ‘yon ni Mocha, ourselves included.
Any act of charity is noble, no question about that. Pero ang ibuyangyang ito for all the world to see diminishes the intention.
Bakit kailangang i-post pa ni Mocha ang resibo ng mga ipinamili niya, does she need the receipt for BIR purposes? Hindi ba’t malinaw na pangangalandakan ‘yon ng kanyang good deeds, na maaari namang hindi na isinapubliko?
By posting her act of charity, inaasahan ba ni Mocha na dadagsain siya ng mga halleluiahs, eto ang isang taong mapagkawanggawa na sa halip na gastusin sa kanyang pangangailangan ang perang pinagpaguran ay inilaan pa sa mga mas nangangailangan, therefore, mabuhay si Mocha Uson!
Parang ganu’n ang invisible caption ng mga post ni Mocha.
Kung ganu’n, wala rin palang ipinagkaiba si Mocha sa marami sa atin na gumagawa rin ng acts of charity. Pangalawa na lang, kung tutuusin, ang pagkakawanggawa.
What actually matters to them (including politicians) more ay ang kanilang imahe, pangalan at estado sa lipunan. Self-gratifying act ang kanilang ginagawa, hindi para sa ibang tao.
Binubusog muna nila ang kumakalam nilang sikmurang gutom sa paghanga at mataas na tingin ng tao. In Mocha’s case, hindi lang ‘yon pagtupad sa kanyang ipinangako, papremyo niya ‘yon sa kanyang sarili thinking she’d earn more ganda points in the eyes of the public.
Ang isang tapat, taus-puso at sinserong pagkakawanggawa ay basta na lang natin nababalitaan mula sa ibang tao, hindi sa mismong taong gumagawa ng kabutihan sa kapwa.
Iilan nga lang ang mga taong gumawa na’t lahat ng acts of charity ay ayaw pang ipabanggit ang kanilang mga pangalan. Ilang telethon sa tuwing magdaraan ang mapaminsalang sakuna o kalamidad sa ating bansa na ang ating napapanood?
May mga volunteers na hindi magkamayaw sa pagsagot ng mga sunud-sunod at nagsasalimbayang tawag sa nakahilerang telepono, nililista nila ang halaga (o pledges) pa lang ng mga donors o anupamang gamit o bagay na idinoneyt nila at pangalan ng mga ito.
Sa mga susunod na segment ay may graphics na ng mga donors’ names with the corresponding amounts or their donations in kind.
Pero kapansin-pansin that in the course of the telethon, may ilan sa ating mga kababayan who choose to remain “anonymous.” Sila ‘yung ayaw magpabanggit ng kanilang pagkakakilanlan. Sapat nang may naibahagi silang tulong, pera man o hindi, without taking pride in their acts of charity para ipagsigawan sa buong mundo.
Ang mga ito ang dapat pamarisan ni Mocha if at all ay nais niyang kumbinsihin ang taumbayan na tapat ang kanyang hangaring gumawa ng kabutihan sa kapwa.
Mapareklamo sa mga kabaro niya sa MTRCB, mapa-usaping kawanggawa, sa social media agad ang ginagamit niyang behikulo?
Anobayen???
MOST READ
LATEST STORIES