Baste dadami ang raket dahil sa ‘sabog na sabog’ viral video

baste duterte

SA halip na mapikon at magwala sa galit, nagpasalamat pa ang Presidential Son na si Baste Duterte sa mga nagpapakalat ng balitang gumagamit siya ng marijuana.

Sa kanyang Instagram account idinaan ni Baste ang kanyang sagot sa mga nangnenega sa kanila ng kanyang ex-girlfriend na si Ellen Adarna matapos kumalat ang video nila kung saan makikita silang tila hilung-hilo at wala sa sarili.

Ang paniniwala ng netizens, sabog at bangag daw ang dalawa dahil sa paghithit ng marijuana na nauna nang itinanggi ni Ellen. Ayon sa sexy star totoong bangag sila ni Baste sa viral video pero dahil daw yun sa sobrang kalasingan.

Nag-post naman si Baste sa IG ng litrato niya habang gumagamit ng electronic cigarette o mas kilala sa tawag na vape na may caption na: “Ingon nila marijuana pud daw ni (Sabi nila marijuana rin daw ito).”

Dagdag pa ng bunsong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, feeling niya nang dahil daw sa “sabog na sabog” viral video nila ni Ellen ay mas lalo lang magpapasikat sa kanya at baka magkaroon lang siya ng maraming endorsements.

 

 

Read more...