ISANG hamon ang ibinigay ni Kathryn Bernardo sa mga kabataan nang maging guest speaker siya sa 2017 Youth Sustainable Development Goals Summit Competition.
Ito’y ginanap sa mismong eskwelahan niyang Enderun College kung saan mahigit 300 estudyante ang umattend mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Dito hinikayat ni Kathryn ang kanyang mga kapwa estudyante na maging responsible citizens sa lahat ng bagay lalo na sa mga usaping may konek sa environment. May mga paalala rin siya tungkol sa poverty alleviation, good education at pag-aalaga sa kalusugan.
“Any ordinary person can do much by simply living each day conscious of his or her responsibilities to the environment,” sey ng dalaga.
Nagbigay din siya ng payo sa mga biktima ng bullying, “I know the feeling of one being bullied, whether in person or in cyberspace. Believe me.”
Sa huling mensahe ni Kathryn, ito ang kanyang hamon sa mga kabataan, “This is my challenge to the youth of today. I pledge my commitment because I know it should start with me.”
Samantala, todo na ang pagte-training nina Kathryn at Daniel Padilla para sa bago nilang proyekto, ang La Luna Sangre, ito ang sequel ng fantasy-action series na Imortal na pinagbidahan noon nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz.
Sa isang video na napanood namin sa Instagram posted by Kath’s fan group Official KB Buddies, kitang-kita ang pagsasanay ng dalaga, kabilang na ang muay thai.