Horoscope, February 24, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Ka-opposite sex ang magbibigay ng suwerte! Kung babae ka, maghanap ng lalaking nakasuot ng kulay asul. Siya ang magpapalasap sa iyo ng ligaya at mag-aabot ng maraming pera. Kung lalaki ka naman, babaeng nakapula ang iyong hanapin. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Marah-Batah-Mara-Hashi-Om.”

Aries – (Marso 21-April 19) — Wag kainipan ang pagyaman, kusang darating iyan, sa edad mong 51 pataas. Sa pag-ibig, hindi dapat apurahin ang kasuyo, darating ang panahong bibigay din niya sa iyo ang lahat. Mapalad ang 6, 15, 21, 27, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Slowly but surely!” Lilac at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Kapag kumikita ng malaking halaga, abutan ng pera ang mga taong wala nang maasahan sa buhay. Sa pag-ibig, sa pagiging mabait makakatagpo ka rin ng true love. Mapalad ang 3, 16, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Una-Salus-Om..” Red at green ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Hindi dapat maglabas ng malaking halaga ng salapi na hindi mo naman tiyak ang patutunguhan. Sa pag-ibig, matamlay ang kasuyo, yayain siyang kumain ng hugis-bilog na kapag hiniwa ay nagiging tatsulok! Mapalad ang 5, 14, 24, 33, 42 at 46. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Biscit-Victoria-Venit.” Maroon at blues ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Kahit na marami kang pera at lumago pa nang husto ang kabuhayan, alam mo bang hindi ka magiging maligaya? Ang kaligayan ay matatagpuan sa pagtulong sa kapwa. Tulungan ang isang kadugo na nangangailangan. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 29 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Ba-Banam-Ke-Balam.” Beige at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Wag magyabang! Panatiliin ang pagiging low profile, upang hindi ka kainggitan. Sa pag-ibig, laging magpakabait sa paningin ng minamahal upang higit ka pa niyang kalugdan. Mapalad ang 9, 18, 24, 38, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Perfer-Et-Makdu-Om.” Violet at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Kikita ng malaking halaga kung laging pupurihin ang ginagawa ng iba. Sa pag-ibig, kahit na pumapangit ang kasuyo at nagkaka-edad na hindi dapat mag bago ang iyong pagmamahal. Mapalad ang 7, 18, 27, 36, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dum-Vita-Est-Me-Om.” Purple at maroon ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Wag ubusin ang oras sa kape-Facebook! Magtipid sa kuryente at ang pag-isipan ay kung paano pa lalong kikita ng salapi. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo kapag nalaman niyang na-supil mo na ang pagiging adik sa internet. Mapalad ang 6, 14, 28, 37, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Silver at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Kahit hindi naisagawa ang magagandang balak ay hindi pa naman huli ang lahat! Kumilos ka ngayon at makikita mo kusang papabor sa iyo ang kapalaran. Sa pag-ibig, bigla ang magaganap, masarap na romansa ang malalasahan. Mapalad ang 2, 13, 26, 29, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Cras-Credemus-Om.” Magenta at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Mas kikita ng malaking halaga kung imbes na sila ang asahan, ikaw mismo ang dumiskarte. Sa pag-ibig, wag bigyan ng sama ng loob ang kasuyo, sa halip pag-ukulan pa siya ng maraming oras at panahon. Mapalad ang 4, 13, 28, 34, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aut-Vincer-Amori-Om.” Green at yellow ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Isang medyo maikli ang buhok, pa-square ang hugis ng mukha ang magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran. Siya rin ang mahiwagang nilalang na tutulong sa iyo upang yumaman. Sa pag-ibig, siya ang dapat mong makasama ng habambuhay. Mapalad ang 5, 14, 23, 38, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Karma-Yoga-Ashana-Om.” White at apple green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Gawin mong mabilis ang lahat ng bagay upang mas mabilis kang yayaman. Sa pag-ibig, sunggaban ang kasuyo upang wag nang makawala pa at wag maagaw ng iba! Mapalad ang 5, 18, 23, 27, 32 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhra-Dosya-Om.” Sky blue at silver ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Dalawin ang mga kapamilya! Sa pinansiyal, isang kadugo ang mag-aabot sa iyo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sa pagbabalik- probinsya matatagpuan ang true love. Mapalad ang 7, 11, 22, 35, 41 at 47. Mahiwag mong mantra: “Aum-Ispiro-Om.” Green at white ang buenas.

Read more...