Sulat mula kay Chona ng Dulong Tanyag, Taguig City
Problema:
1. Bakit kaya kahit pareho na kaming nagtatrabaho ng mister ko ay patuloy pa rin kaming nababaon sa mga pagkakautang? Wala kasi kaming sariling bahay kaya nangungupahan pa kami kaya lalong lumalaki ang gastos namin buwan-buwan.
2. Itatanong ko lang po kung makakaahon pa kaya kami sa mga pagkakautang at matutupad pa kaya ang pangarap kong magkaroon kami ng sariling lupa at bahay kahit maliit lang para hindi na kami umuupa buwan-buwan. At sana mabigyan n’yo rin kami ng paraan kung paano makakaahon sa kahirapan at magkakaroon ng isang matagumpay at maunlad na pamilya. October 14, 1978 ang birthday ko.
Umaasa,
Chona ng Taguig City
Solsuyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing kung hindi ka magtitipid at maghihigpit ng sintron, tiyak ang magaganap, sa susunod na mga taon ay lalo pa kayong magkakandahirap-hirap at mababaon sa utang.
Numerology:
Subalit ang birth date mong 14 ay nagsasabing sa sandaling nakapag-abroad ang mister mo sa taon ding ito ng 2017, makikita mo, magsisimula na kayong makaaahon sa kahirapan hanggang sa tuluyang makabayad sa mga pagkakautang.
Luscer Color Test:
Upang magtuloy-tuloy ang suwerte sa sandaling nakapag-abroad na si mister, gumamit kang lagi ng kulay na pula, gray at silver. Ang nasabing kulay ang lalo pang mabibigay sa inyong pamilya ng mas maunlad at mas masaganang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Chona, ayon sa iyong kapalaran, kung hindi ka magtitipid nang todo-todo sa panahon ngayon ay maaring lalo kayong maghirap ng iyong pamilya. Ganoon pa man, dahil nakatakda namang makapag-abroad ngayong taon ding ito si mister, partikular sa buwan ng Setyembre sa edad niyang 37, tiyak ang magaganap, magiging simula na iyon ng isang masagana at maunald ninyong buhay. Pagsapit ng taong 2021, sa edad mong 43 at 41 naman si mister, tuluyan na kayong makapagpupundar ng sariling lupa at bahay, hanggang sa unti-unti na kayong makabayad sa mga pagkakautang at makaahon na rin sa kahirapan. At kahit medyo maalawan na ang inyong buhay, sikapin mo pa ring magtipid at mag-savings upang tuloy-tuloy na kayong yumaman.